This is work of fiction. Names, places, characters, bussiness, events and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance of actual persons living or dead, or actual event is purely coincidental.
Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that are not suitable for very young reader. Read at your own risk.
This is unedited so expect many typo's ang grammatical errors.
~~~
PROLOGUE 1/2
Matt's Point Of View
Ano ba naman at ang aga-aga ring nang ring 'tong bwisit na cellphone! Padabog kong kinuha ang cellphone kong naka patong sa night stand table ko.
"Hello?"
"Good morning, Matt!"
"Micy? Why are you calling me at this morning?! You know that I'm tired yet you disturbed my sleep!"
"Yea, I know. I just called because I have a good news for you but you're already bad mood so I guess I won't say it anymore."
Alam niyo 'yung ganitong pakiramdam? 'Yung bigla ka nang na-curious sa sasabihin sa iyo ng isang tao tapos biglang hindi na itutuloy 'yung sasabihin? Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong si Micy ay matagal ko na 'tong na batukan eh. Hindi naman ganito 'tong si Micy noon. Grabe talaga, after 7 years biglang nagbago ang ugali niya, well mas okay na rin naman ang ugali niya ngayon kaysa noon.
"Just spill it Misha."
"My fiancé and I are going to eat at your restaurant. Please reserve an 7-seater table."
Seriously?! Eto na 'yung good news? Ano namang good news sa kakain silang dalawa sa restaurant ko?! Inabala pa ang tulog ko!
"Chill ka lang Matt. That's not the good news I meant."
"Ang dami mong paligoy-ligoy. Ano ba kasi 'yon?"
"Let's just say that... someone dearly from your past will be back."
W-What?
Sasagot pa sana ako sa sinabi ni Micy kaso lang ay naunahan na nitong patayin ang tawag. S-Someone dearly? Who the h—
Wait.
Someone...
Dearly...
Right?
It means only one thing.
Riri's back.
My Riri—I mean... Our Riri.
The one who can make my heart beat pounds uncontrollably.
Ow shit.
~~~
Alas kwatro y medya noong tumawag si Micy at ala onse na. Hindi ko na nagawang bumalik sa tulog kakaisip sa balitang sinabi niya. Kanina pa nga ako palakad-lakad sa kwarto ko para isipin kung ano ba ang pwede kong isuot.
Marahas kong hinila ang buhok ko. Bakit ko ba pinoproblema 'to e hindi ko naman alam kung kailan ang balik ni Riri. It could be today, tomorrow, the day after tomorrow, and so on.
Napaupo na lamang ako sa kama ko. Kailangan ko na rin namang mag ayos dahil araw-araw din naman ako sa restaurant ko.
Pasado alas onse nang matapos ako sa pag aayos nang may tumawag na naman sa akin. I didn't bothered to look who's calling me basta ko na lang 'tong sinagot.
"Dude!"
It's Kiel. One of my friends.
"Oh bakit?"
"Pa reserve naman ng table sa restaurant mo. May date kami ni Roxie."
"Mukha ba akong pa reserve-an ng tables sa restaurant ko?! I'm not the one who's in charge of doing that. I am the owner!" I can't help but to burst out. Nakakainis naman kasi 'tong sina Micy at Kiel.
"Easy Dude, I'm just kidding. Bakit bad mood ka ata?"
"Bad mood?! Sinong bad mood?!"
"Alam mo, iinom na lang natin 'yan. Susunduin ko na si Kc—Fuck! Bwisit 'tong si Kc, wala raw dito sa office niya!"
"Ewan sa iyo, Estilo. Pupunta pa ako sa restaurant ko."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Kiel at agad na pinutol ang tawag. Naligo na ako at naghanda pa punta sa restaurant.
Ang restaurant na pagma may-ari ko ay pamana pa sa akin ng mga magulang ko. At 'yon ang ginawa kong main restaurant habang ang ibang branch ng restaurant ko ay nasa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Nag drive ako papunta sa restaurant at nakarating ako nang alas dose pasado na. Imbis na sa isang pinto ako dumaan ay sa entrance mismo ako pumasok.
Dahil tanghali na ay puno ng tao ang 1st floor ng restaurant. Tahimik lang ako naglalakad patungo sa office ko nang may mamataan akong dalawang pamilyar na tao. Nasa sulok ang table na inookupa nila at hindi sila agad mapapansin. Agad ko silang nilapitan at tumikhim.
"I thought si Roxie ang kasama mong pupunta rito? Bakit kayo ni Micy ang magkasama?" Tanong ko kay Kiel at sunod na binalingan si Micy. "Ikaw naman, akala ko ba fiancé mo ang kasama mo at 7-seater table ang papa reserve mo?" I eyed them suspiciously. "Are you two dating?"
"What?!" Magkapanabay nilang tanong. Hay, alam ko na ang sunod na mangyayari. Itatanggi nila.
"Of course not!"
"Kiel is not my type and it will never be!"
Sabi na eh. But I can tell that they're not lying. Bakit? Dahil alam kong iba ang gusto nila parehas. I just shrugged my shoulders at nakiupo sa tabi ni Kiel since bakante naman ito.
"Oh e bakit kayo nandito?"
"Kakain sana kami rito ng date ko pero pinauwi ko na siya dahil susundan ko sana si Kc." Walang pag aalinlangang sagot ni Kiel.
"Nakita ko sina Kiel at Kc na nandito kaya pumasok ako at nilapitan ko sila." Sagot naman ni Micy at sinulyapan ang cellphone.
"E bakit wala na si Kc dito ngayon? Asan na siya? Nasa comfort room ba?" Sunod-sunod ko namang tanong.
"Umalis na sila."
"Sila? Sinong kasama ni Kc?"
"I already told you. Someone dearly from your past will be back." Ngiting-ngiting sambit ni Micy at halatang-halata rito ang pang aasar. Well, my friends knew that I love her. "'Wag mong kalimutan na mag reserve ng 7-seater table mamayang gabi ha? Sabay-sabay tayong mag dinner. Riri will join us." Aniya pa at dire-diretsong tumayo at lumabas.
"It's better if you will cook our food later. Mag pa impress ka kay Riri, malay mo naman may pag-asa na." Sambit ni Kiel at lumabas na rin. Naiwan akong tulala ngunit may malaking ngiti sa labi.
END OF PROLOGUE 1/2