泡泡小說

下載PopNovel閱讀海量小說

The CEO's Bodyguard

The CEO's Bodyguard

作家:Indrani

連載中

簡介
Irene is known to be the most wicked businesswoman in her industry. But her life will change when she meets Taveon, the guy who abducted her. They were both on the run because something happened between them. That's when Irene decided to stay on an island where no one else knew except her. She wanted to taste her guard once again without being interrupted and the island is the perfect place for that. What will happen on their stay on the island, alone together? Will they be safe forever?
展開▼
正文内容

“Mr. Gonzaga I clearly told you na dapat i-cancel mo na ang deal with that company, wala tayong makukuha doon, malulugi lang tayo, do you even think?” sigaw ni Irene sa kanyang empleyado, nakayuko lamang ito at nanginginig ang kamay, halatang natatoooakot na ito sa kanya. Sanay na si Irene dito, halos lahat ng mga tao ay takot sa kanya, sa tingin pa lang niya ay mapapaatras na ang titingin sa kanya.

“P-pasensiya na po kayo Ma’am ngunit hindi na po kasi maaaring icancel ang deal dahi--”

“Are you stupid? I clearly told you to cancel that stupid deal! I will give you a week para gawin ‘yan. Get out of my office!” sigaw ni Irene sa kanyang empleyado. Ngunit hindi kaagad nakagalaw si Mr. Gonzaga dahil sa sobrang takot. Parang alam na niya kung ano ang kahihitnatnan niya kapag lumabas siya sa opisinang ito.

“What are you still doing here?” sigaw ni Irene. “Get out!” dali-dali namang lumabas si Mr. Gonzaga at tumungo sa kanyang opisina para iligpit ang kanyang mga gamit.

Napaupo naman kaagad si Irene sa kanyang upuan at agad na huminga ng malalim. Tumingin siya sa labas ng kanyang bintana at agad na tumingin sa kalangitan. Pagod siya ngayong araw dahil maraming problema sa opisina. Nais niyang umuwi sa kanyang bahay at halikan ang kanyang mga pusa, ngunit paano niya gagawin iyon kung marami pa siyang aasikasuhin sa kanyang opisina?

Nakarinig naman kaagad siya ng katok sa kanyang pinto kaya kaagad niyang inayos ang ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at agad na umayos ng upo. “Come in,” kalmadong sambit ni Irene. Agad namang pumasok ang kanyang secretary. “Ma’am, I am very sorry to disturb you but I’m afraid you have to see this,” sambit nito at agad na ibinigay sa kanya ang tablet. Agad namang ipinakita sa kanya ng kanyang secretary ang isang email.

“What’s this?” tanong ni Irene sa kanyang secretary matapos niyang basahin ang email. “Nakakatanggap ako niyan araw-araw, ano namang ipinagbago niyan?” masungit na tanong ni Irene sa kanyang secretary. Mabuti na lang at sanay na ito sa ugali ni Irene kaya hindi na ito natakot sa kanya. “Alam ko pong araw-araw ay nakakatanggap kayo ng threats, ngunit may kakaiba po sa email na ito kaya ipinakita ko sa inyo,” saad ng kanyang secretary. “Paano mo naman nasabi na may kakaiba sa email na ito? Kabobohan lang ang nakikita ko dito,” sambit naman ni Irene. Kinuha naman ng secretary ang kanyang tablet mula kay Irene at may kinalikot. “Here, do you see this one? Hindi ko alam if this one is a code or something but it kind of feels off,” sabi ng kanyang secretary at agad na ibinigay sa kanya ang tablet. Kumunot naman ang noo ni Irene at muling binasa ang email.

THIS IS IMPORTANT!

Kiwi Oily Lull

WATCH OUT!

“You’re getting quicker,”nakangiting sambit ni Irene habang nakatingin sa kanyang secretary. Nahihiya namang napangiti ang kanyang secretary at bahagyang hinawi ang kanyang buhok.

“What do you think does it mean?” tanong ni Irene sa kanyang secretary. “That, I don’t know of. Pero malakas ang kutob ko na isa iyang threat. No one sends us a code before. At isa pa, wala masyadong nakakaalam sa email na ito, not unless isa siyang tao na may masamang balak sa iyo, malamang ay maghahanap iyan ng paraan para magbigay ng mensahe. And no one sends this kind of dramatic message before unless it’s a…..threat.” sambit ng secretary. Bahagya namang napatango-tango si Irene. “You almost got it right, you’re getting better at this. Now, to solve this email,” agad na tumayo si irene at kinuha ang tablet mula sa kamay ng kanyag secretary.

“Kiwi Oily Lull.” kumunot ang noo ni Irene habang tinitigan ang mensahe. Matapos ang ilang minuto ay agad na tumawa si Irene. “Alam mo na ba kung ano ‘yan?” tanong ng kanyang secretary sa kanya. Agad na inihagis ni Irene ang tablet, mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng kanyang secretary. Nasanay na rin ito sa palaging paghagis ni Irene sa mga gamit niya. At ginagawa lamang ito ni Irene sa tuwing naeexcite siya.

“This is an anagram. I already gave you a clue. Solve it,” sambit ni Irene. Tumaas naman ang kilay ng kanyang secretary. “Hindi mo pa alam kung ano ‘yan?” tanong nito sa kanya. Agad namang umiling si Irene. “Of course I already knew, it’s your turn to solve it. Now get out,” pananaboy ni Irene sa kanyang secretary. Agad namang itong lumabas habang nakakunot pa rin ang noo. Wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng anagram. Ngayon pa lang siya nakarinig ng salitang iyon. Dali-dali naman siyang nagtungo sa kanyang computer at agad na hinanap kung ano ang ibig sabihin ng anagram, pagkatapos ay sinimulan na niyang sagutan ang nakalagay sa email.

Agad namang nagtungo si Irene sa kanyang computer at agad na nagreply sa sender.

From: IreneFord@gmail.com

To: TomasNorbury@gmail.com

Message: Hey Asshole :

I am going to find you. I am going to hurt you in ways you never thought of. Then I’m going to bury you where no one will find you. Have a good day dimwit.

She hit send pagkatapos ay agad siyang naupo sa kanyang upuan. She’ll wait for them. Napangiti naman si Irene. Ah, how many years has it been ever since I had fun? Hindi na siya magtataka kung maraming tao ang gusto na siyang mamatay. She’s known to be ruthless and evil. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ng mga tao kahit na wala naman silang basehan. Hindi niya rin naman alam kung bakit siya natawag na ganoon. Hindi naman niya kasalanan kung mga tanga sila. Agad na tumayo si Irene at tumalon. Agad din naman siyang umayos ng tayo dahil baka may biglang pumasok sa kanyang opisina. Inayos niya ang kanyang nakusot na damit at agad na huminga ng malalim. She can’t contain her excitement lalo na kapag ganito. She never had real fun in her life. “Sana naman you won’t disappoint me Mr. Norbury,” bungol ni Irene sa kanyang sarili.