PopNovel

Vamos ler O Mundo

Roses of Death

Roses of Death

Autor:BloodStone

Atualização

Introdução
Most of the people Loves to receive a red rose because for them it is a sign of love but hey dude!!.... I'll tell it's not a good idea. Never in a million ways it will be good. Because in our world red rose means death. Now baby never ever ever wish to have or to receive a Red Rose my dear you would not love it. It might bring you to your death. Because receiving a red rose is a curse and giving a white rose is like giving that particular person the time of his death.
Mostrar tudo▼
Capítulo

  Tahimik at malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang Blackwoods.

  Blackwoods is where you can find all illegal things that you can think of like drag racing, they even sell drugs and they also have a black market where you can buy different kinds of deadly weapon and poisons. They have the Battle of death isang laro, isang laro ng kamatayan kung saan legal ang pumatay. These game has only one rules and that is to “STAY ALIVE”.

  Hindi mo nanaising pumunta rito liban na lamang kung isa ka sa kanila o sadyang may taglay ka lamang na lakas ng loob at tapang lalo pa at pinamumunuan ito ng isang taong walang puso siya ang taong walang awa kung pumatay may sapat mang dahilan o wala.

  Magulo ang blackwoods, sobrang gulo ito na ang ginagisnan namin pero lahat yon ay nagbago ng bigla na lamang 'SYANG' sumulpot mula sa kung saan, isang babaeng. Isang babaeng may suot suot na itim na maskara at walang pagdadalawang isip niyang hinamon ang pinuno ng Death Gang na si Snake matapos siyang bastusin nito. At ang hamon----ang labanan siya sa battle of death.

  I was silently drinking at the counter of the bar that time looking at those wasted people at the dance floor, dancing and even making out with some random guy, may mga naninigarilyo, nagiinuman at may mga nagkakatuwan sa bawat sulok ng Blackwoods when suddenly I was interrupted--- I mean, the whole place was interrupted by this girl.

  “ What the he---” isang sigaw na nagpatahimik sa lahat lalo na ng sampalin nito ni Snake. I saw a girl wearing a black mask that cover her entire face at tanging ang mata at ang mapupulang labi lamang nito ang makikita. She's wearing a black fitted sando and a fitted black leather jeans dahilan para mas lalong lumitaw ang magandang hubog ng katawan nito na tinernuhan ng black leather jacket with a black boots.

  

Obviously she doesn't like black ehhh?

  That girl walk at the ring as if she's not about to die in there, like hey! that's Snake the famous leader of Death Gang they don't give mercy they are known for being brutal not giving a damn if you're a girl or not.

  He will kill you in the most painful way they think.

  Everyone was in silent.

  And as soon as they get there walang pagdadalawang isip at agad siyang sinapak ni Snake.

  Then as if on cue everyone started shouting.

  Enjoying the view of a girl laying on the ground for being hardly punch on her face.

  Hindi agad ito nakatayo na mas lalong nagpaingay sa lahat ng nanonood.

  Kill her! Kill her!

  Tapusin mo sya Snake

  Booo! wala ka pala ei.

  Patayin mo na yan walang kwenta.

  Kill her!

  Kill that bitch!

  Ilan lang yan sa mga katagang maririnig mo sa loob ng Blackwoods.

  Sasaksakin na sana ito ni Snake ng sa isang iglap bigla na lamang itong nawala.

  Nagulat man ito pero hindi na niya iyon ipinakita pa. Naging alisto ito. Humarap ito sa likod nito ng maramdaman ang prisensya niya sasaksakin na sana niya ng babae ngunit ang sumunod na pangyayari ay ang syang ikinagulat ng lahat.

  Tila ba naging slow motion ang lahat mula sa tangkang pagsasaksak dito ni Snake na hindi natuloy dahil kamao ng misteryosong babae ang sumalubong dito sapul ito sa mukha. Matutumba na sana ito kung hindi lang nakahawak sa ring pero hindi ito hinayaang makabawi ng misteryosong babae tila kidlat ito sa bilis at sa isang iglap lamang walang buhay itong bumaksak sa lapag.

  Natahimik ang lahat wala ni isa ang umimik lahat ay nagulat sa pangyayari dahil sa isang kisap mata lamang ay napabagsak nito ang pinaka malakas at kinatatakutang tao sa buong pilipinas.

  Natapos ang laban na siya ang naiwang nakatayo. Snake was dead and she doesn't even use any weapon to kill him she just use her barehand. Bali ang leeg nito maging ang braso at paa nito, mababakas mo sa mukha nito ang matinding hirap na pinagdaanan niya sa kamay 'NITO' and that only means--

  that only means she won not just only on the fight but also the throne. At dahil may batas kaming sinumpaan mula ng pumasok kami sa Blackwoods na kung sakaling matalo o makapagpabagsak ang kasalukuyang pinuno nito ang taong tumalo rito ay walang pagdadalawang isip na tatanghaling bagong pinuno. At oras na mapabagsak mo ang kasalukuyang pinuno ay ikaw ang oto-matikong tatanghaling bagong pinuno ng blackwoods. Gulat man at hindi makapaniwala ngunit ang lahat ay yumuko sa kanya maging ako habang nakalagay ang nakatikom na kama-o sa tapat ng dibdib tanda ng paggalang at pagkilala sa kanya bilang aming bagong pinuno. Ngunit lahat kami'y nagulat ng sa halip ay magsimula itong humakbang at maglakad palabas.

  “ All of you I want you to prepare yourself and your gang because time will come when I came back lahat kayo ay pamumunuan ko. I will rule all of you and you can't go against it.” sabay turo sa lahat ng naroroon sa lugar na yon.

  “Pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ito  tamang panahon. At pag dumating ang araw na yon I want all of you to follow my rules sa ngayon magpakasaya muna kayo dahil pagdating ng oras na yon  you will not be able to do all of THESE. But always remember my no.1 rule “DON'T KILL INNOCENT PEOPLE.” She said that with full of authority and when I look on her eyes, her blue eyes was dull and void in emotion nakakatakot ang paraan ng pagtingin nya. Kinilabutan ako nang mapatitig ako sa mga mata n'ya tila ba kaharap ko si kamatayan sa paraan ng kanyang pagtitig. Agad din akong nagbawi ng tingin dahil hindi ko kaya, hindi ako makahinga para akong sinasakal.

  Matapos ang insidente ng gabing iyon ay hindi na ito muli pang nakita ni anino nito sa loob ng Blackwoods maging ang grupo ni Snake. She left us after she said that.

  Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa takot na muling bumalik ang babaeng binansagan naming DEATH sa nakalipas na isang taon walang gulong naganap sa loob ng Blackwoods pero dahil walang namumuno dito muling naging magulo ang blackwoods at mas naging malala pa ito kesa noon naging asal hayop ang halos lahat ng tao dahil walang hari o reynang namumuno rito .

  Pero tila ba nakatakdang muling maulit ang lahat mula sa nakaraan nang dumating ang grupo ng Black Stone Gang  isang grupo na may limang miyembro, limang kababaihang miyembro ngunit tila mga lalaki sa galing sa pakikipaglaban.

  Minsan na din namin silang nakalaban ngunit kaylan man ay hindi namin sila natalo nung una'y nagtataka kami pero kalauna'y nalaman din namin kung bakit dahil--

  Dahil sila ang pinaka sikat at kilalang grupo na tumutulong sa bawat bansa upang mapuksa ang mga krimen sa mundo. Binabayaran sila ng mga opisyal ng bawat bansa kapalit ng serbisyo ng mga ito. They were Assassin.

  The Angels of Death.

  Sila ang namuno sa Blackwoods at muling nagsaayos nito, nagpatupad ng mga bagong batas, ipinagbawal ang pagbebenta ng droga maging ang pagpatay kung hindi naman kinakailangan.

  Naging usap usapan sila hindi lamang sa Blackwoods ngunit maging sa iba't ibang panig ng mundo. Lahat ay natakot sa kanila. Sino nga ba ang hindi after all they were the famous Assassin in the whole wide world.

  Una na dito si Sapphire na tinaguriang hacker ng grupo. Maganda ito alon alon ang mahaba at itim nitong buhok may maliit at bilugang mukha may matang tila nangungusap kung tumingin, matangos ang ilong at mapupulang labi may taas itong 5'4 balingkinitan ang katawan. She has a lion tattoo sa ilalim ng kanang tenga nito.

  Sunod naman dito ay si  Diamond tulad ng isang mamahaling bato nagtataglay ito ng pambihirang ganda nakasisilaw na ganda, may bilugang mukha matangos na ilong mapupulang labi at medyo singkit ang mata nito, lagpas balikat ang tuwid at kulay blande nitong buhok may taas na 5'3 mas kilala ito bilang si Knife dahil sa taglay nitong galing sa pakikipaglaban gamit lamang ang mga patalim at isa sa paborito nitong gamitin ay ang shurikin at patunay na dito ang tattoo nitong shurikin sa may pulso nito.

  Si Emerald naman ay ang tinaguriang Snipper ng grupo sa taglay nitong galing sa paghawak ng baril kahit anong klase ng baril kaya nitong gamitin. May tattoo itong baril, dalawang baril na nakapa-ekis sa may kanang baywang nito. Maganda din ito ngunit medyo may kaliitan sa taas na 5' medyo pangahan ang mukha at may bilugang mata, matangos na ilong at pinkish na mga labi may kulay mais itong buhok na mas lalong nag patingkad sa kaputian nito.

  Si Amethyst naman ang pang-apat at ito ang tinaguriang utak ng grupo dahil sa mga imbensyon nito. May taas itong 5'3 morena ang kulay at maitim ang lagpas balikat nitong buhok singkit ang mata marahil dahil may lahi itong int'sik mapula at maliit ang labi, may tattoo itong puting dragon na napalilibutan ng maliliit na paru-paro  sa banda braso nito.

  At ang panghuli si Blood Stone walang nakaaalam kung ano ang hitsura nito maging kung hanggang saan ang kaya niyang gawin dahil kahit kailan hindi pa nila ito nakitang lumaban may mga nakalaban na siya sa labas ng Blockwoods pero lahat ng yon ay nakabaon na sa lupa kaya't walang makapagsabi kung ano nga ba ang kayang gawin ng isang Blood Stone dahil lagi lamang itong nasa isang sulok at nagmamasid, madalas ay tahimik lamang ito at hinahayaang ang kanyang mga miyembro  ang syang humarap at makipaglaban sa mga taong nagtatangkang kalabanin sila.

  Tanging ang tattoo lamang ang pagkakakilanlan nito isa iyong itim at pulang rosas, ang itim na rosas ay may tumutulong dugo samantalang ang pulang rosan naman ay patak ng luha magkabaliktad na tangan ito ng isang bungo malapit sa bandang dibdib nito sa may balikat maliit lamang iyon ngunit sapat na upang makita. Mataas ito sa katunayan ay ito ang pinaka matangkad sa grupo sa taas na 5'6 balingkinitan ang katawan at mahabang buhok na abot hanggang baywang, kulot ang bandang dulo nito ngunit kapansin pansin ang kulay nito dahil hindi tulad ng iba natural ang kulay abo nitong buhok bukod dito'y wala na silang alam na pagkakakilanlan nito.

  Palaisipan pa rin sa lahat kung sino nga ba talaga ito sa likod ng maskara. Dahil kahit kailan hindi pa ito nakitang walang maskara hindi tulad ni Sapphire, Diamond, Emerald at Amethyst.

  Minsan nga may humamon dito kapalit ng pagtanggal nito ng maskarang iyon. At sa pagkakataong iyon namalas nila ang husay at galing nito sa pakikipaglaban. Iyon ang kauna unahang pagkakataon na nakita namin kung pano siya lumaban, na naghatid ng kilabot at takot sa aming lahat. At gaya ng inaasahan tulad ng isang daga na pumasok sa loob ng kulungang ng isang gutom na gutom na leon kamatayan ang naging hantungan nito, kahanga hanga ang ipinamalas nito na naging dahilan upang mas katakutan ito.