PopNovel

Vamos ler O Mundo

Ways To Escape Death

Ways To Escape Death

Autor:shineberry

Atualização

Introdução
Beatrice's Love, a historical fiction based on medieval times, is a romance novel that trending worldwide. A reverse harem genre, where a female protagonist is surrounded by two or more love interests. These are the male lead of the story: Lawrence William, the Crown Prince of the Asterin Empire, Killian Shou Adir, an unknown headmaster of the magic tower, and Francisco White, the Imperial Knights' commander-in-chief. They will do anything to accomplished Beatrice's devotion, even if they have to endure the consequences. The villainess in the novel and the only daughter of a duke, Elizabeth White, became envious of the lovely protagonist, Beatrice. She was cast aside by her lover as well as her family to die a pitiful death. What's good about being reborn if you were the shame on the family? 'I' who reincarnated as Elizabeth White won't let my fate be dictated by the original novel! I refuse to become a stepping stone for the protagonist's progress. I will take control of my life this time.
Mostrar tudo▼
Capítulo

I am Sophia Ark, twenty-three years old. I live my life as an ordinary college student, that loves reading fiction novels. Sikat ang Beatrice's Love sa mga kabataang katulad ko. Ang kwento ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Beatrice, at tatlong lalaki na maglalaban-laban para sa pag-ibig niya. Marami ang nahumaling sa takbo ng kwento, lalo na pagdating sa bida na si Beatrice.

Pero naiiba ang pananaw ko kaysa sa kanila. Nakararamdam ako ng awa sa pagkamatay ng villainess na si Elizabeth. Namatay siya sa mismong kamay ng lalaking mahal niya. Ang mas nakakainis na parte pa, ay 'yong pinabayaan siya ng kaniyang sariling tatay na mamatay. Tinuring din siya nitong malaking kahihiyan sa pamilya. Tanging ang lady-in-waiting niya lang ang naging kakampi at umintindi sa kaniyang damdamin. Hanggang sa huli ay sinamahan siya nitong humarap sa kamatayan.

Kung tutuusin kasalanan naman ni Lawrence kung bakit nagawa ni Elizabeth ang mga pambu-bully kay Beatrice! Nagbago si Elizabeth dahil sa pananakit na ginawa niya sa damdamin nito! Pero walang nagalit sa kaniya dahil sa isa siyang Crown Prince ng Asterin Empire. Walang nag-discriminate kay Lawrence dahil batid ng lahat na one-sided love lang ang namamagitan sa kanila ni Elizabeth.

"Class dismissed," sabi ng Professor sa aming mga estudyante.

The school bell rings, it is the signal of today's classes ended. Naunang lumabas ng aming silid ang Professor. At saka nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko para magsilabasan. Inayos ko ang mga gamit ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, para ipasok ang mga ito sa loob ng bag ko.

"Sis! Ni-release na ang final chapter ng Beatrice's Love," balita ng isa sa mga kaklase ko habang nakatitig sa phone niya. Madaling lumapit ang kaibigan niya sa kaniya para tingnan ito. Saglit akong napalingon sa kanila dahil nakuha nito ang atensyon ko.

"Eh? Wala pa naman akong load ngayon! Mamaya ko na lang babasahin sa bahay," komento nito nang makita na tama nga ang kaniyang sinabi.

"Kwento ko na lang sa 'yo?" pagbibiro niya sa kaniyang kaibigan.

"Stop it! Don't try to spoil me," sagot nito pabalik. Tiningnan siya ng nakaloloko ng kaniyang kaibigan. Mukhang naintindihan niya agad ang binabalak nito kaya madali niyang tinakpan ang sariling tenga. Maging ako ay kinabahan sa pagbabalak nitong isigaw ang nilalaman ng ending ng story. Ayaw ko pa namang nakaririnig ng spoiler. Nakawawala kasi ng excitement.

"Hahahahaha!" Everyone glances in their direction because she is boisterous. The friend looks at her with embarrassment. She put the bag over her right shoulder to prepared herself to depart.

"Hey, wait for me," she said before pursued her friend so that they can walk together on their way home.

Mabigat akong nagpakawala ng buntong-hininga. Mabuti na lang ay hindi nito sinigaw ang nilalaman ng huling chapter.

Nang malaman ng iba ang tungkol sa pag-update ng kwento, agad din silang nagsipag labasan ng sari-sarili nilang gadgets. Kahit dito sa aming eskwelahan, sikat ang Beatrice's Love. May mga hindi mahilig magbasa ang natuto ring maengganyo sa kwento. Sa sobrang sikat ng novel, balak na rin itong ipalabas sa television para gawing teleserye.

At kahit na naka-upload online 'yong story, naso-sold out pa rin ang mga libro sa kahit saang bookstores. May nabuo na ring mga fan club para sa mga male lead tulad nina Lawrence William the Crown Prince, Killian Shou Adir the Great Magician, at Francisco William the Imperial Knights' commander-in-chief. Ang pinaka-final boss ay si Killian, pero kahit siya ang main villain ng kwento, mas marami ang fans niya kaysa sa dalawang male lead.

"Manang, pa-load po ng regular fifty," tawag ko sa tindera. Kasalukuyan siyang may kinabi-busy-han sa cellphone niya.

"Lumabas na ang end chapter ng Beatrice's Love, Iha," balita nito sa 'kin.

"Opo, kaya nga po magpapa-load ako," sagot ko matapos tumango sa sinabi niya.

Madali rin naman siyang lumapit para asikasuhin ang kailangan ko. Kaso medyo bumabagal ang kilos niya dahil hindi buo ang atensyon nito sa trabaho.

"Ang swerte ni Beatrice eh 'no? Ang sarap siguro sa pakiramdam na magustuhan ka ng tatlong naggagwapohang lalaki." Mahahalata sa boses niya ang pagdi-daydream nito.

Napairap ako sa kawalan. "I don't like her. Elizabeth is better than her."

"Weird din ng trip mo, iha," sabi nito habang kunot-noong nakatitig sa 'kin.

"Beatrice is so naive. Madalas siyang kumilos ng hindi nag-iisip. Paano naging cute 'yon? Ayaw ko rin sa masyado niyang pagiging inosente. Hindi niya alam na may mga taong naaagrabyado dahil sa kaniya," sagot ko rin pabalik sa tindera.

May mga side character ang nawalan ng buhay dahil sa misunderstandings. Protective kasi masyado ang tatlong lalaki pagdating kay Beatrice. Idagdag pa ang pagiging possessive ni Killian sa kaniya. Walang magandang nangyayari sa mga pinagseselosan nito. Kung sinuman ang lapitan ni Beatrice at makita niya lang na ngumiti ito sa iba, that person will be in danger. She knew all about these, pero hindi niya sinasaway ang mga lalaki!

"But Elizabeth tried to poison her," madiin niyang sagot pabalik sa 'kin.

"It is her fault. Beatrice snatched Elizabeth's fiancé. Who wouldn't be insane for that?" I stated the fact.

Napaisip din si manang nang marinig ang rason ko. Mukhang naintindihan naman niya agad ang pinupunto ko. "Oo nga 'no?"

Tiningnan ko 'yong phone ko nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Pumasok na pala ang load ko. Madali ko itong ni-register dahil baka kainin pa ng network.

"Thank you," I said before leaving. I am now on my way home, pero mamayang gabi kailangan kong pumasok sa trabaho. I am working part-time in a fast-food chain, that opens twenty-four hours.

Sinuot ko ang earphones ko sa magkabilang tenga saka nagpatugtog ng malakas. This is my way for entering my world. Habang nasa daan at binabasa ang parte kung saan naghahanda na magpakasal ang dalawang bida. Napansin ko ang silaw ng liwanag na papalapit sa 'kin. Tinanggal ko ang earphone na nakakabit sa kanang tenga ko, saka nilingon ang direksyon ng liwanag.

Nakabibinging tunog ng busina ang aking narinig, at malakas na pagsalpok ng malaking bagay sa katawan ko ang gumulat sa 'kin. Wala akong maramdamang sakit, siguro dahil sa namamanhid ang buo kong katawan. Nagawa ko pang makita ng malinaw ang bumunggo sa 'kin.

"Aaaaaah!" Rinig kong sigawan ng mga taong nakasaksi.

"Tumawag kaagad kayo ng ambulansya!" Lumapit ang matandang babae sa mga estudyanteng nakahawak sa kanilang cell phone.

"Wala ng buhay ang driver ng truck," balita ng lalaking nag-check sa pulso ng suspek sa pagbunggo sa 'kin.

Sa paglabo ng aking paningin, naaaninag ko pa ang expression ng mga taong pinagmamasdan ako. Lahat sila ay nakapaligid sa 'kin. Pawang kinakaawaan nila ang naging sitwasyon ko.

Hindi ko expect na sa ganitong paraan ako mamamatay.

Ilang sandali pa, tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari at kung gaano katagal na akong nakapikit. Naririnig ko lang ang kaguluhan sa paligid. Kahit na hindi ko maigalaw ang aking katawan, nagawa ko namang maidilat ang mga mata ko.

Isang hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa 'kin. Sinuri ko ang kapaligiran. Magagarang gamit at halatang mamahalin. Para akong nasa lugar ng mayayaman. Ito na ba ang tinatawag nilang langit?

"Milady!" Napalingon ako sa babaeng nakasuot ng pang katulong. Umiiyak siya habang nakahawak sa kamay ko. Napakunot-noo ako sa reaksyon niya, dahil parang tuwang-tuwa ito na makita ako. Eh hindi ko naman siya kilala.

"Sino ka?" tanong ko rito.

Gulat itong napatakip sa kaniyang bibig. Mas lalo ring bumuhos ang mga luha niya. Nagsipasok ang iba pang mga tao na hindi ko kilala. May lalaking nakabihis ng magara ang lumapit para suriin ang kalagayan ko. Kung kumilos siya ay para itong doktor.

"Normal na ang kalagayan niya," balita niya sa mga taong naririto.

"Good to hear," malamig na tugon ng isa pang lalaki na hindi katandaan ang itsura. Ganito ba ang itsura ng anghel? Parang pumupuso ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kaniyang kagwapohan.

"Milord, nawalan po yata ng alaala ang young lady..." malungkot niyang balita sa kanila.

Kumunot ang noo ng lalaki saka seryosong napatitig sa 'kin. Diretso rin akong nakipagtitigan sa kaniya.

"Do you still remember who you are?" tanong ng doctor sa 'kin.

"Yes. I am— Ah!" Hindi ko natuloy ang pagpapakilala dahil sa biglaang pagkirot ng aking ulo. Sunod-sunod na imahe ang nag-pop-up sa aking isipan. Mga ala-alang hindi ko matandaang nangyari sa tanang buhay ko. Para akong nanonood sa buhay ng ibang tao.

Kalaunan ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang kasalukuyang nangyayari. Kahit nanghihina pa ay pinilit kong maglakad palapit sa salamin. Nanginginig kong pinagmasdan ang repleksyon ng aking mukha na hindi ko pag-aari. Dahil sa sobrang pagkabigla, muli akong nahimatay.

Anong ginagawa ko sa mundo ng kwento na huling binasa ko? Sasapitin ko rin ba ang kapalaran ni Elizabeth? Kamamatay ko lang, mamamatay na naman ako!

***

The whole story is just a product of the author's imagination. Names, places, things, and events' written in this story are not meant to be copied in other stories or it may be only purely coincidental.

Plagiarism is a crime! Do not try to copy and present someone else's ideas as your own! Thank you.

Copyright © 2021 by Shineberry Stories