PopNovel

Vamos ler O Mundo

Forbidden

Forbidden

Autor:Mirasol

Atualização

Introdução
Chasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle between heart and mind. It is their battle over their past and the present. How will they fight together when the one they should is no other than themselves. "I'd rather die than letting you see me killing again." - Ayako "I am Chasta Lyle Monteverde, the Raven's Angel." - Chasta A love that everyone forbid, will their love conquers it?
Mostrar tudo▼
Capítulo

  "Chasta?!" Ate Chazel and Ate Chazen shouted. They both look so surprise while looking at me.

  "O my god! You're here!" sigaw ni Ate Chantal then she hugged me tight. Masyado ba nila akong namiss kaya ganito sila ka excited na makita ako.

  "Didn't know na mas mapapaaga pala ang pagdating mo, Cha." napalingon kami agad sa nagsalita na kakababa lang ng hagdan. My precious twin brother.

  "He knows?" my four sisters asked me in chorus. "And you didn't even told us Chester?!" Ate Chan continued while glaring at him. Tumakbo agad si Chester sa likod ko para magtago. I raised my both hands to stop Ate Chan and Ate Chantal from hitting my pitiful twin brother.

  "Enough, okay? Ang mahalaga nandito na ako." sabi ko nalang sakanila na nakatuon na ang atensyon sa kawawang kakambal ko.

  "Wala akong kasalanan, okay?" my four sisters still glaring at him, as a sign of defeat he then raise his both hands. Napailing nalang ako sa eksenang kinahantungan namin.

  "Enough ladies. Iisa na nga lang ang anak kong lalaki may balak pa kayong tapusin." pagbibiro ni daddy na kakapasok lang ng main door ng bahay.

  "Dad! E kasi naman hindi niya sinabing uuwi pala si Chasta!"

  "Aren't you happy, Chantal?" tanong ni mommy kay Ate Chantal.

  "Of course I'm happy! Nakakatampo lang kasi di namin alam."

  "Com'on sisters, I'm already here. Let just enjoy." Wala na silang nagawa at nakipagbati nalang kay Chester saka kami sabay sabay na pumasok sa kusina para kumain.

  -

  "How's your stay there?" napatingin ako kay Ate Chan nang magtanong siya. She's 19 years old, masungit siya while her twin Ate Chantal is the happy-go-lucky one.

  "Okay lang. May curfew but it's okay to go home late kapag may kailangan akong gawin with my groupmates."

  "How's Mamu and Papu?" tanong naman ni Chester habang kumakain parin. He's my twin and we are already 18 years old. Mabait at sweet siya sakin, hindi ko lang alam kung ganon din siya sa iba.

  "They're fine."

  "Bakit ka umuwi?" sabay sabay kaming napatingin kay Ate Chazel dahil sa tanong niya. She's 20 years old, siya yung pinakaseryoso saming magkakapatid while her twin Ate Chazen, she loves to read book and she doesn't like to talk to much.

  "Anong klaseng tanong yan Chazel?" tanong sakanya ni mommy, mukhang di nagustuhan ni mommy ang sinabi niya.

  "I mean mas okay siya don. Hindi ito yung napag-usapan, tayo yung pupunta sakanya mom. Not her going back here." dugtong naman ni Ate Chazel. Dad was about to say something pero hindi ko na siya pinagsalita pa.

  "I want to start again. Here." seryoso silang tumingin sakin lahat dahil sa sinagot ko.

  "Are you out of your mind?" kunot noong tanong naman ni Ate Chan.

  "Chan, enough."

  "No, mom. It's dangerous." angal ni Ate Chan dahil sa pagpigil sakanya ni mommy.

  "Chan - - -" someone's phone is ringing kaya napatigil sa pagsasalita si mommy.

  "Sasagotin ko lang." paalam ni Ate Chazel bago lumabas ng kusina.

  "I'm totally fine. Don't worry, Ate Chan."

  "Cha para sa kapakanan mo yon. Go back there." pagmamatigas parin ni Ate Chan.

  "We are not going to talk about that here." napatigil si Ate Chan dahil sa pag-angal na ginawa ko. Naging seryoso pa ang ekspresyon ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy parin kami sa pagkain habang si Ate Chazel naman ay hindi pa bumabalik. Impossibleng pinanganak kaming lahat na may kambal pero ito na at nangyari na. Magaling lang talaga yung parents namin.

  "Chazen we have to go." pagbasag ni Ate Chazel sa katahimikang namumuo samin. Mukhang tapos na siyang kausapin kung sino man yung tumawag.

  "Where are you going?" tanong ni mom sakanila.

  "Kailangan kami ni Raven." sagot ni Ate Chazel na ikinatayo ni Ate Chazen. Hindi na nila inantay pa si mommy na magsalita pa ulit at umalis na agad.

  "Who is Raven? Why are they both in a hurry?" kunot noo kong tanong kay mommy.

  "Kaibigan nila. Wag mo na silang pansinin." si Chester na yung sumagot. Hindi narin ako nagsalita pa at tinapos na agad ang kinakain ko para makapagpahinga na. Whoever that Raven is, maybe she is really that important. Hindi umaalis nang basta basta sina Ate sa hapag-kainan nang ganon ganon nalang.

  "Still thinking about them?" napalingon ako sa biglang nagsalita. Si Chester.

  "Hmm, who is she?"

  "I told you, kaibigan nila yon. Baka may problema kaya kailangan nilang puntahan."

  "Even if we are still having dinner? She is not just a friend, Chester."

  "Kaibigan lang, Chasta. Stop overthinking about things. Magpahinga kana." mukhang iniiwasan niyang pag-usapan namin kung sino man yung kaibigan nina Ate na sinasabi niya.

  "You're hiding something. Kambal mo ako, Ches. Konektado tayo." seryosong sabi ko sakanya. "Magpapahinga na ako. Good night." dugtong ko, humalik ako agad sa pisngi niya saka humiga at tinalikuran siya. Narinig ko pang bumuntong hininga siya.

  "Good night." bulong niya bago lumabas sa kwarto ko. Am I just really overthinking? Maybe they really changed. Matagal akong nawala kaya hindi ko alam kung anong nangyayari dito nung wala ako. Tama nga siguro si Chester, I shouldn't just overthink everything. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kakaisip ng kung ano ano.

  Tanghali na nung magising ako kaya hindi ko na naabutan sina mommy at daddy. Tinanong ko naman yung isang maid na nakasalubong ko kung nasaan na ang mga kapatid ko pero sinabi lang nilang umalis at hindi nila alam kung saan pumunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa bahay so I decided to go somewhere else. Naligo ako agad at nagbihis nung may makita akong envelop sa study table ko. Binuksan ko yon. Emerald Academy.

  Academy? Mukhang ito yung papasokan ko. Nilagay ko nalang ulit sa loob ng envelop yung mga papers at pictures na kinuha ko saka ito nilagay sa drawer ko. Mukhang may pupuntahan na ako. Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko at agad na nagmaneho papunta sa Academy. May google map naman kaya hindi ako mawawala kahit matagal na akong hindi nakakabalik dito. Agad kong pinark sa parking lot yung kotse ko saka naglakad papunta sa loob ng academy. Sobrang lawak. Ang daming buildings at ang daming pwedeng pagtambayan. Mukhang nasa iisang campus ang Junior High School, Senior High School at College. Nagsimula narin akong maglibot libot since iilan lang naman ang mga estudyanteng nandito. Karamihan yung mga nagpapractice sa mga fields. Basketball, soccer, tennis, badminton at iba pa.

  May dorm siguro dito? Baka pwede akong magstay nalang doon para hindi nakakapagod umuwi ng bahay. Nilibot ko pa yung buong academy, maraming cafeteria, malawak yung garden area nila, may isang bakuran pa na puro benches ang nandon at mukhang yun ang nagiging tambayan ng lahat since may mga puno naman at hindi mainit. May isang open field naman na may iilang benches sa mga gilid, parang isang area para kapag may flag ceremony or event na magaganap na sa labas nangyayari. Marami pa akong nakita hanggang sa mapagod ako sa kakalakad at napadpad ako sa isang napakalaking bakuran sa likuran ng academy. Sobrang lawak, as in napakalawak. Parang dito nagkakarera yung mga kotse. May iilang bakas pa nga ng gulong.

  Wow. This is so cool! Bigla nalang nawala yung pagod ko at kahit mainit ay napagdesisyonan kung maglakad papunta sa gitna ng napakalawak na lupain. Sobrang hangin. Pumikit pa ako para madama yung hangin.

  "AAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

  Napapikit ako kasabay nang pagkakaupo ko at ang pagkarinig ko nang paghinto ng isang sasakyan. Damn. Muntik na ako don. Hindi ko alam na may nagkakarera pala.

  "Fuck! Hey! Are you okay?" rinig kong tanong ng isang babae. Dahan dahan ko siyang tiningala, napatabon pa ako sa mata ko nung masinagan ito ng araw. She then offered her hand kaya inabot ko iyon at dahan dahang tumayo. Ang lambot ng mga kamay niya.

  "Masyado ka namang nag-enjoy sa paghawak sa kamay ko." agad akong napabitaw dahil sa sinabi niya.

  Matagal ba akong napatu....lala? W-wait. A-ang g-ganda niya. Nakalugay yung buhok niya pero nakacap siya at nakabaliktad ito. She look so cool!

  "Tanga ka ba? Bakit ka nandito? Bawal ka dito. Mabuti nalang at walang nagkakarera ngayon at ako lang mag-isa ang nandito kung hindi patay ka na sana." sunod sunod na sabi niya. Napayuko nalang ako. Ang tanga mo talaga Chasta. Di nag-iisip.

  "Hey! Do I need to bring you to the clinic?" tanong naman niya nung mapansing nakayuko lang ako at tahimik. Inangat ko yung ulo ko para matingnan siya pero bigla nalang umikot yung paningin ko.

  "Hey! Shit."