PopNovel

Vamos ler O Mundo

Milyarder Kayıp- The Billionare's Lost

Milyarder Kayıp- The Billionare's Lost

Autor:TWIN_Ivy

Atualização

Introdução
A billionaire man that is known in business industry, Thomas Yson. Olivia San Diego, a simple painter that lived her life indepently. Meeting in one summer vacation in Turkey. How can their life turned twisted by one painting that will tangled their different world?
Mostrar tudo▼
Capítulo

“Liv’s mag-usap naman tayo, oh? H’wag ganito. Ayokong umalis na ganito tayo.” Pagsusumamo ng lalaki sa kanya.

“Just leave, Thomas. We don’t have anything to talk to. Umalis ka na,” matabang at malamig na sabi nito sa lalaki.

“No! I will not. ‘Liv, please. Hindi ko naman talaga sinasadya, eh.”

“Hindi sinasadya?! Ano ‘yon? Nadapa ka lang at sumakto sa kayamanan n’ya? Thomas, huwag na nating lokohin ang sarili natin, oh? Nahihirapaan na rin ako. Matagal na tayong wala. Kaya, p’wede ba? Tigilan mo na ako?”

Binawi ng buong lakas niya ng kamay sa lalaki. Akma na niyang sasaraduhan ang pinto ng bahay niya nang biglang nag-salita ang anak iyang pupungas-pungas pa.

“Mommy? Can I have a milk? Hindi po talaga ako makatulog, eh?” matamis na paki-usap na bata.

Halos tambulin naman ang dibdib ni Olivia nang makita ang anak. Halos hindi ito maka-alis sa kaniyang kinatatayuan. Tila ba biglang nagka-ugat ang paa n’ya at hindi niya itong basta maalis.

“L-Liv. The c-child…”

“No. Umalis ka na, Thomas.” Mabilis pa sa alas-kwatro niyang ini-lock ang pinto sa katakutan niyang baka kung anong pumasok sa kukote nitong si Thomas at bigla na lang kuhanin sa kanya ang anak n’ya.

Lumipas pa ang mga araw. Halos mabaliw siya sa kakaisip. Marami siyang ginawang assumption dahil nalaman na ni Thomas ang kaniyang sikreto. Ano na lang ang gagawin niya gayong nakita na ng ama ang kaniyang anak?

Itago man niya ito ng itago kay Thomas. Alam niyang malakas ang lukso ng dugo kaya hindi niya ito mapagtataguan.

“No, not my child, Thomas. Sa akin lang si Jacob.”

---

“No, ‘Liv, you can’t escaped me with my child. I have the rights,” bulong nito habang nagpapakawala ng mabibigat na hininga.

Simula kasi nang araw na pumunta siya sa tinitirhan ni Olivia, hindi na nawala sa isip niya ang batang kaniyang nakita.

Malakas ang kutob niyang sa kaniya ang bata dahil mata nito na parehas na parehas sila. Kulay berde na pinapalibutan ng asul ang mata ng bata na hindi maitatangging kaniya ito. Nagsusumigaw ang dugong pagka-banyaga ng bata katulad niya.

“Escape until you can, ‘Liv. But, I will surely find you in every corner this world. I will brought back my child.” He said, promising himself while sipping his hard drink.

---

“Yves, I need your help. Nakita na ni Thomas si Jacob.”

“What’s wrong with that, Oliv? He’s the father of your child.”

“What?! Are you insane, Yves? What are you talking about? I raise my child with all my blood and heart. How can you say that?!”

“Oliv, don’t you think it’s the right time? Thomas has his rights. And you know, he will do everything he can. Lalo na ngayon at alam na niyang may anak kayo.” Pagpapaliwanag niya rito.

“I can’t believe you, Yves. Akala ko ba, tutulugan mo ako? Akala ko ba, walang iwanan sa ere?”

“Oliv, I’m trying to help you. Natulungan na kita noon pa. Gustuhin ko mang tulungan ka, isn’t the right time para ipaubaya mo naman si Jacob kay Thomas. Para magkakilala na ang mag-ama?”

Hindi naman na naka-imik si Olivia. Tama nga ba n ipaubaya naman niya ngayon si Jacob kay Thomas?