PopNovel

Reading Books on PopNovel APP

Ephemeral

Ephemeral

Author:Jiiinnx

Updating

Introduction
He stays awake While she forgets Clija has a disorder called KLS (Kleine Levin Syndrome) na kung saan nakakatulog siya 20 hours/day o higit pa, he's the modern sleeping beauty. While Knixx was diagnosed with Alzheimer's. This two person is trying to conquer their disorder and their love for each other. Every time that Clija is asleep, Knixx remembered her memories together with Clija, but when Clija is awake, Knixx is attacked by her Alzheimers disease. Will there be a time that Clija is awake and Knixx remembered him? Does a miracle happen in real life?
Show All▼
Chapter

Clija

pronounced as 'klayja'

POV

Nagising ako sa isang masamang panaginip. Parang nalulunod ako, hindi ako makahinga.

Pawis na pawis ako kahit malakas naman ang aircon sa loob ng silid.

Na sa isang private room ako sa hospital. Na ka upo habang natutulog.

Mabuti na lang at na ka idlip lang ako. Sobra akong kinabahan.

Pagkatapos kong idilat ang aking mga mata ay naramdaman kong may na ka tingin sa akin.

Mukhang kanina niya pa pala ako tinitignan habang natutulog.

"Ba't gising ka pa?"tanong ko sa babaeng kaharap ko na nakahiga sa kama ng isang hospital.

Kahit kailan hindi ko siya pagsasawahan. Hindi ko pagsasawahan na titigan siya  sa kaniyang mga mata. Hindi ako magsasawang hangaan siya. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagod pagdating sa kaniya.

Ilang taon na nga ba simula na maging kami? Ah tama, mahigit labing tatlong taon na.

"Hindi ako makatulog eh," nahihiyang sabi niya, na parang bago lamang kami  magkakilala.

"Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?"tanong ko sa kaniya na may bahid ng pagaalala.

" Naku huwag na, sobra na akong nakakaabala sayo,"mabilis niyang sagot sa suhestyon ko.

"Kahit kailan hindi ka na ging abala."paliwanag ko habang pinipigilan ang mga namumuong luha.

"Sige,wala namang masama kung susubukan," matipid siyang ngumiti sa akin.

Kahit kailan hindi talaga kumukupas ang ganda niya.

Lumapit ako sa kama niya at umupo sa may paanan, para doon siya kantahan.

Inilabas ko ang dalang gitara. Nag strum muna ako ng ilang segundo bago kumanta.

Tell me something

When the rain falls on my face

How do you quickly replace

It with

A golden summer smile?

Tell me something

When I'm feelin' tired and afraid

How do you know just what to say

To make

Everything alright?

Malumanay lang na pagkanta ang ginawa ko habang nakatitig sa mga mata niya.

I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside

Your universe

You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just

The other way around

You can thank your stars all you want but

I'll always be the lucky one

Nginitian ko siya, ngiting may dalang kilig. Kinikilig ako parati sa tuwing gusto ko siyang pakiligin. Ako lagi ang nauunag kiligin sa aming dalawa.

Tell me something

When I'm 'bout to lose control

How do you patiently hold

My hand

And gently calm me down?

Tell me something

When you sing and when you laugh

Why do I always photograph

My heart

Flyin' way above the clouds?

May bahid na ng kaunting nginig sa boses ko habang kumakanta. Sana hindi niya mapansin iyon.

I don't think that you even realize

The joy you make me feel when I'm inside

Your universe

You hold me like I'm the one who's precious

I hate to break it to you but it's just

The other way around

You can thank your stars all you want but

I'll always be the lucky one

Mukhang umeepekto na ang kanta ko dahil napansin ko siyang humikab sandali.

I'll always be the lucky one

I'll always be the lucky one

At tuluyan niya ng ipinikit ang mga mata. Tumayo ako at inilapit ang mukha sa kaniya.

I give her a forehead kiss, then bid my goodbye.

"Ayaw kong matulog, kasi hindi pa rin kita natatandaan. Natatakot akong matulog dahil baka sa paggising ko ay wala na naman akong matandaan," bigla siyang nagsalita habang nakatalikod na ako.

Hindi ko magawang lumingon dahil baka maputol ang sasabihin niya.

"Naaawa ako sa lalaking umiiyak gabi-gabi dahil hindi ko siya makilala." tumigil siya sa pagsasalita

"Gustong-gusto na kitang matandaan, pero hindi ko kaya, hindi kaya ng utak ko. Patawad."

Pinihit ko na ang seradura upang umalis sa silid na iyon. Subalit bigla siyang nagsalita.

"Hindi ba sumagi sa isip mo na tigilan ang pagdalaw sa akin? Wala namang problema kung titigilan mo na, dahil bukas ay makakalimutan na naman kita."

Matagal bago ako na ka sagot sa kaniyang tanong. Siguro na ka tulog na rin siya, pero nagsalita pa rin ako.

"Paano kung bukas ay sumuko ako sayo, at doon ka makaalala?"sagot ko sa kaniyang tanong.

"Paano kung kahit kailan ay hindi na ako makaalala?"nagulat ako dahil gising pa rin pala siya.

"Mas pipiliin kong manatili sa tabi mo kahit hindi mo ako maalala, kesa maalala mo ako na wala ako sa tabi mo."

At tuluyan ko ng nilisan ang silid na gabi-gabi ko iniiyakan.

Ako si Clija at siya si Knixx.

Hindi ako matandaan ng taong hindi ko kayang kalimutan.

At ito ang kuwento naming dalawa.