PopNovel

Reading Books on PopNovel APP

Marrying My Professor

Marrying My Professor

Author:AetherMae

Updating

Introduction
Marahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya ito sa opisina nito. Pinayagan syag ipasa nito ngunit sa isang kondisyon... Papayag kaya sya sa gusto nito alang-alang lang na makagraduate sya oo papairalin nya ang pride at magmamatigas?
Show All▼
Chapter

  Halos mahilo na ako kakasolve ng formula dito sa take-home test na binigay sa amin ng professor namin. Ayaw talaga makisama ng utak ko sa Calculus.

  Basta usapang numero at math, asahan mong hindi makikisama ang utak ko. Wala na talagang pag-asa. Nasabunutan ko ng tuluyan ang sarili ko.

  "Argh!! Makisama ka naman na please. Kahit ngayon lang."

  Naaasar kong sabi sa sarili ko. Pero ako lang nasaktan sa ginawa ko. >_<

  Nakakabaliw na talaga. Biglang may bumatok sa akin.

  "Hoy! Babae! Ano! Tuluyan ka nang nabaliw dyan?"

  Ang bestfriend ko palang si Majho ang bumatok sa akin, umupo ito sa tabi ko.

  Bestfriend ko na ang babaeng ito simula pa noong grade school kami. Kung ano ang kinabobo ko sa math, ay sya namang kinatalino nya doon. Asar lang diba? Ang malupit pa, hindi ito nagpapakopya. Saklap di ba? Naturingan kong bestfriend pero hindi ako pinapakopya, as in NEVER! kahit pa noong grade school kami hanggang ngayong college na kami.

  "Majho, pakopyahin mo na ako sa Calculus take home test natin. Please, ni isang tanong wala pa akong nasasagutan."

  Pagmamakaawa ko sa kanya.

  "Hay nako Nazli! Paano ka matututo kung kokopya ka?"

  Sabi nya sa akin.

  "Eh ayaw talaga makisama ng utak ko eh. Please Majho, ngayon lang."

  Muling pagmamakaawa ko. Umiling naman si Majho.

  "Paanong hindi mo masagutan,eh hindi ka nakikinig sa lecture. Kaya wala kang natutunan. Nazli naman! College ka na, at graduating pa. Di ba may mga bagsak ka pang math subjects simula pa noong first year college natin?"

  Pangagaral nya sa akin. Napapangalumbaba na lang ako. Totoo po ang sinabi nya.

  May mga math bagsak pa akong math subjects. Hindi pa ito alam ni mama. Nagiguilty na ako, kaya paminsan-minsan ay sumasideline ako para matustusan ko ang mga back subjects ko. At kapag hindi ko maipasa iyon ay hindi ako gagraduate.

  Nakakafrustrate na. Paano ba naman kasi ako matututo, yung prof ko sa math ay napakaterror. Akala mo mangangain ng tao kapag nagpapasagot. At ito pa ang malupit, sya din ang professor ko sa mga math back subjects ko. Asar di ba?

  Gwapo sana kaso halimaw naman pagdating sa pagtuturo. Kaya bagsak sya sa akin tuwing sasapit ang professor evaluation namin. At least doon ako nakakaganti sa kanya, ganoon din naman ang ibang estudyante sa kanya.

  Pero kahit anong baba ng evaluation sa kanya ng mga estudyante sa kanya ay hindi ito napapaalis sa university namin, sa halip ay ginagalang ito. Napatingin ako sa questionnaire na nasa harap ko.

  "Argh! Mababaliw na ako dito!"

  Muli kong nasabunutan ang sarili ko.

  "Madali lang naman ang tinuturo ni Sir Diaz ah. Sisiw nga lang eh."

  Pagmamalaki ni Majho sa akin.

  "Para sayo sisiw lang. Paano naman sa akin na hindi pinalad na magkaroon ng talino sa math na iyan?"

  Sabi ko sa kanya. Naluluha na talaga ako.

  "Eh bakit kasi Accountancy ang pinili mong course? Asahan mo talagang sangkatutak ang math sa course na ito."

  Sabi sa akin ni Majho. Napasimangot na lang ako.

  "Eh hindi ko naman talaga ang course na ito eh. Si mama ang may gusto. Ayoko namang umayaw dahil ito ang pangarap nya dati pa."

  Sabi ko kay Majho.

  "Hay friend. Nakakaawa ka talaga. Pero okay lang iyan. Wag mong dibdibin, may likod ka pa."

  Tiningnan ko ng masama si Majho. Napakaganda ng payo sa akin ng babaeng ito.

  "Ewan ko sayo Majho. Kung pinakopya mo na ako, eh di sana tapos ko na ito."

  Pag-aalburoto ko.

  "Iyan ng di ko magagawa friend. Kailangan mong matututo ng ikaw lang."

  Sabi nya sa akin. Muli kong binalikan ang sinasagutan ko.

  "Huhuhu! Nakakaiyak na talaga."

  Sabi ko.

  "Nakakaiyak talaga friend, lalo na kapag ganyan kagwapo ang professor natin sa math."

  Sabi sa akin ni Majho.

  "Ha? Anong ibig mong sabihin."

  Tanong ko.

  "Ayun oh, ayun ang tinutukoy ko."

  Ngumuso si Majho sa isang direskyon. Napatitig na lang ako.

  Ang taong tinutukoy ni Majho ay walang iba kundi ang professor namin sa calculus, si Mr. Phoebus Apollo Diaz, ang pinaka terror na professor sa university namin, parang pinagsama-samang isandaang Hitler. Pero kahit ganoon sya ay maraming babaeng nagkakandarapa dito dahil nga ubod ng gwapo. Noong una kong tapak dito sa school na pinag-aaralan ko ay nagkacrush ako sa kanya, pero noong naging professor ko na sya at nalaman ang totoong ugali nya ay nawala ang paghanga ko.

  "Ang gwapo talaga ni Sir Apollo ano? Lalo na kapag nakasalamin, daig pa ang mga model ng Gucci."

  Sabi ni Majho sa akin. Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ko nga ba pinupuri ang nagbagsak sa akin sa mga math subjects ko. Halimaw sya.

  "Parang hindi naman."

  Sabi ko sa kanya. Napatingin si Majho sa akin.

  "Weh? Parang dati crush mo iyan di ba?"

  "Dati iyon Majho! Hay nako! Ngayon? Sinusumpa ko iyang lalaking iyan. Bwisit talaga. Ayaw akong ipasa sa mga back subjects ko."

  Sabi ko kay Majho.

  "Talaga lang ha?"

  Pagdududa ni Majho.

  "Hay nako Majho! Tigilan mo na ako parang awa mo na. Wala pa akong nasasagutan dito."

  Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang biglang may umagaw sa papel na sinasagutan ko.

  "Ako na ang sasagot nyan."

  Napatingin ako sa tapat ko.

  "Sir Albert."

  Sambit ko. Si Sir Albert ay professor namin sa Psychology, kung ano ang kinaterror sa akin ni Sir Apollo ay sya namang kinabait sa akin ni Sir Albert, parang kuya-kuyahan ko na nga ito. Gwapo naman ito, pero mas gwapo si Sir Apollo dito. Teka? Bakit ko na naman pinupuri ang halimaw na iyon?

  "Hi Sir Albert! Nako sir. Wag nyo pong sasagutan iyang test ni Nazli."

  Sabi ni Majho dito. Natawa naman si Sir Albert.

  "Sanay na ako Majho. Kawawa naman, ikaw ba, hindi ka ba naaawa dito sa bestfriend mo? Halos mabaliw na sa pagsasagot eh."

  Sabi ni Sir Albert kay Majho.

  "Hay nako sir. Hindi po. Matuto sya ng kusa dyan. Hindi kasi nakikinig iyan tuwing lecture kay Sir Apollo."

  Pag-aamin ni Majho. Siniko ko naman sya.

  "Makinig ka kasi Nazli para may masagutan ka."

  Sabi sa akin ni Sir Albert habang sinasagutan ang papel ko.

  "Ayaw talaga makisama ng utak ko sir eh."

  Sabi ko na lang habang pinapanood si Sir Albert na sagutan ang papel ko. Parang sisiw lang din dito ang math. Huhu! Bakit ako? Di man lang nabiyayaan ng talino sa math. Wala pang ilang minuto ay binigay na sa akin ni Sir Albert ang papel ko.

  "Oh ayan na. Tapos na."

  Sabi nya sa akin.

  "Waaahh! Thank you so much Sir Albert!"

  Tuwang tuwa kong sabi. Inirapan naman ako ni Majho.

  "Walang anuman, sa susunod ay makinig ka nang mabuti kay Sir Diaz para di ka na mahirapan sumagot."

  Payo nya sa akin saka pinat ang ulo ko.

  "Nako sir! Sinasanay nyo yan."

  Pang-eechos ni Majho. Binelatan ko lang sya. Nagbell na, hudyat na ng klase.

  "Mauuna na ako sa inyo ah. Yung sinabi ko sayo Nazli ha? Wag mong kakalimutan."

  Pahabol ni Sir Albert.

  "Yes sir!"

  Sang-ayon ko. Naglakad na sya palayo sa amin, kami naman ni Majho ay pumunta na din sa room namin.

  "Hay nako Nazli! Nasasanay ka nang pasagutan iyan kay Sir Albert. Mahiya ka naman."

  Sabi sa akin ni Majho.

  "Hindi ko naman pinapasagutan, kusa nyang kinukuha sa akin."

  "Eh maski pa, tumanggi ka. Nag-aral ka pa kung dedepende ka sa iba."

  Sabi sa akin ni Majho, napasimangot na lang ako.

  "Kj naman neto."

  Bulong ko. Nang makarating kami sa room namin ay wala pa si Sir Apollo. Opo. Sya ang prof namin sa oras ka ito kaya nag-umpisa na naman ang kaba sa dibdib ko. Another hell day na naman.

  Umupo na kami, habang ang iba naming kaklase ay nagkukulitan ay nagkukwentuhan. Ilang sandali pa ay biglang nanahimik ang lahat dahil pumasok na ang halimaw. Tuloy tuloy itong pumasok ng room, hindi man lang bumati, kaya nagkusa na ang mga kaklase ko na batiin ito.

  "Good morning Mr. Apollo."

  Halos sabay sabay nilang sabi, ako naman ay napapalunok na ng laway. Ang iba kong kaklaseng babae ay lihim na kinikilig. Tumango lang ang halimaw este si Sir Apollo.

  "Get your take home test out and let's answer it one by one, before we start our discussion."

  Sabi ni halimaw. Oh shoot! Hindi ko pala natanong si Sir Albert kung paano nya nasagutan ang mga tanong.

  Bahala na si Iron Man.