PopNovel

Reading Books on PopNovel APP

My Sweet Dinero

My Sweet Dinero

Author:nellewdash

Updating

Introduction
Mincy, a young woman on social media, stumbled across something intriguing. She learned that finding a sugar daddy might be a way for her to help her brother pay their bills. In her opinion, this was the best way to make money without putting in any effort at all. After a while, she realized she had gotten herself into a serious situation that would only make things worse for her. The language and some explicit sexual content in this story may not be appropriate for readers under 17.
Show All▼
Chapter

"Tao po! Mark?"

"Mark nandiyan ka ba?"

"Maaark?!"

"Hoy lumabas ka r'yang hinayupak ka! Ang lakas mong kumalampag at umalindog sa'kin kagabi tapos tatakasan mo lang ako?!"

"Argh!" Inis akong bumangon at nagmartsa papunta sa kwarto ng magaling kong kuya.

"TUPANG-INA NAMAN KUYA! LUMABAS KA NANG MAKAPAG-USAP KAYO NUNG JINUGJUG MO KAGABI! HINDI YUNG NAI-ISTORBO TULOG KO! BWISET!" galit na sigaw ko habang pinaghahahampas yung pintuan. 

"Natutulog yung tao dito tapos... Hays! Pakboy talaga 'tong si kuya eh," sabi ko at dumiretso na papuntang kusina. Hindi na ko makakabalik ng tulog dahil hindi ako madaling kumuha ng antok sa umaga. Kamalasan talaga. 

Kinuha ko yung kawali at nagluto ako ng itlog at hotdog para sa agahan ko.

"WAG NA WAG KA NANG MAGPAPAKITA SA'KIN HINAYUPAK KANG MARK KA! SINUSUMPA KITA! AKALA MO NAMAN NAPAKALAKI NG ANO MO! JUTS KA NAMAN. PWE!" Natawa ako nang marinig muli ang sigaw nung babae.

Halos kada linggo may napunta na mga babae dito sa bahay tapos mangangalampog dito at sasabihing nabuntis sila ni kuya. Ganoon ba talaga kapogi ang kuya ko para magkandarapa sila nang ganyan sa kaniya? Gosh. 

Kumuha ako ng plato at nilagay ang itlog at hotdog na niluto ko. 'Wag na kayong magtaka kung bakit walang kanin. Tamad kaming dalawa ng kuya ko at wala kaming balak bumangon nang maaga para lang magsaing. 

Umupo na ko sa lamesa at sumubo ng kapirasong itlog at hotdog. 

"Tss. Ang agang istorbo naman nun. Sino ba 'yon?" reklamo ng kuya ko na kabababa lang ng hagdan namin. 

Lumunok muna ako at saka humarap sa kaniya, "Aba, malay ko sa'yo. Kajugjugan mo kagabi tapos ngayon hindi mo na kilala? Ayos ka pala eh." Humarap na muli ako sa lamesa at sumubo ulit. 

"Virgin pa ko 'no! Gumagawa lang sila ng kwento dahil patay na patay sila sa'kin! Saka anong akala mo sa'kin? Pakboy?" Pag-angal naman niya saka pumunta sa harap ng ref at binuksan ito

"Aba, malay ko sa'yo. Ikaw lang nakakaalam niyan," sabi ko at saka inilagay ang pinagkainan ko sa lababo. 

"Wew," sabi pa niya pagkatapos uminom ng tubig sa pitsel.

"Hoy! Sabi ko 'wag kang iinom diyan sa pitsel 'di ba? Kaya nga tayo may baso para doon uminom, eh." Napa-iling na lang ako sabay kuha ng baso at ipinakita sa kaniya. Binigay naman niya sa'kin ang pitsel na kinuha ko naman. No choice ako kasi isa lang naman pitsel namin dito sa bahay. 

Matapos akong uminom ay dumiretso ako ng sala namin at saka umupo sa sofa. Naki-upo naman si kuya sa tabi ko at binuksan ang TV

"May napasukan ka bang trabaho, Kuya?" tanong ko habang tinitignan siyang naglilipat ng channel. Umiling lang siya at inilagay ang remote sa lamesa, "Mahirap makahanap ng trabaho lalo na't hindi ako naka-graduate. Kung makahanap naman ako, sakto lang yun na pangkain natin sa araw-araw." 

"Ang kulit mo rin kasi, eh. Sabi ko sayo--" 

"Hindi nga pwede, Mincy. Ba't ba ang kulit mo rin?" 

Inirapan ko naman siya, "18 years old na ko, Kuya. Magco-college na ko next school year. Pwedeng-pwede na kong magtrabaho, okay? At isa pa, isang taon na lang at makakagraduate ka na. Ayaw mo pang tapusin nang makahanap ka na ng magandang trabaho." Pagpapaliwanag ko naman at tumingin sa kaniya ng seryoso.

Napapikit siya at pinagdikit niya ang kaniyang labi, "Kung ako nga hindi makahanap ng disenteng trabaho, ikaw pa kaya?"

"At least makakatulong pa rin ako sa'yo, 'no. Hindi lang ako tambay dito palagi at nakikita kang nagtatrabaho para mabuhay tayo. Pleaseee, Kuya,"  sabi ko at pinagsiklop ang aking kamay saka nagmakaawa sa kaniya. 

"Bahala ka. Basta kapag nakahanap ka ng trabaho, magsabi ka agad sa'kin at 'wag na 'wag kang magsisinungaling." 

Napalunok naman ako at saka tumango sa kaniya, "Oo naman, Kuya."

--

Nung may pasok pa nagrereklamo kayo at gusto nyo nang magbakasyon. Tapos ngayong bakasyon na, gusto nyo namang pumasok. Ano ba talaga? Ang gugulo nyo pre.

500 reacts • 106 comments • 1k shares

Oo nga pala, isa akong shit poster sa dummy account ko. Ayoko kasing nagpopost dun sa real account ko. Marami kasing mapanghusga doon at isa pa nakakahiya kapag nakita 'yon ng mga relatives namin. Kung ano-ano pa namang pinagpopost ko dun.

Nakatambay na naman ako dito sa Pesbok. Pascroll up and down lang ang ginagawa ko tapos react sa mga posts.

Tekla Balaluyay

Ang laki ng binibigay ng sugar daddy ko pwede na tong pang-concert HAHAHA.

122 reacts • 68 comments • 0 share

Sugar daddy? Sa tagalog, matamis na tatay ganoon? Hanuraw.

Masearch nga. . .

Ah, yun pala 'yon. Magbibigay ng pera para sa kanya-kanyang interest. Iba talaga nagagawa ng pera 'no? Binabayaran pa minsan sarili mong katawan para lang may pangkain ka sa araw-araw. Pero sa post na nakita ko kanina, parang hindi naman pangkain ang gusto nya. Ang gusto nya, pang-concert. May tao palang ganito? Base din kasi sa mga nakita ko, pwedeng walang sexual intercourse ang maganap. Yung iba, nanghihingi lang ng kaibigan, payo, o yung mga dayuhang bago lang sa bansa na gustong magpatulong dahil hindi pa kabisa at alam ang bansang napuntahan.

Na-curious tuloy ako bigla.

Binalikan ko yung post kanina at tinignan ang mga comments.

Ay maluwag nato hahahaha,, charot. Magkano bigay?

Tekla replied. . .

Sana oil. Bigay sa'kin 8k lang e pero liklik lang kmi.

Tekla replied. . .

Magkano sis?? 25k bigay sakin buwan-buwan.

Tekla replied. . .

Ganun kalaki ang binibigay?! Grabe naman pala. Edi sobrang yaman talaga nung mga sugar daddy nila? Parang gusto kong subukan kaso naiisip ko na baka mapahamak ako.

Pero hindi naman siguro masamang mag-try?

Nagcomment ako sa mismong post.

Nag-hintay ako ng ilang minuto at tumunog na nga ang cellphone ko.

Tekla replied on your comment 

Pesbok

Pinindot ko naman ang notif saka binasa ang reply.

Tekla Balaluyay

PM teh. Ituturo ko narin kung pano makanap ng matino at mabait na SD.

Bigla na namang tumunog ang cp ko at nagchat nga 'yong Tekla.

Tekla : Hai teh. Suggest ko lang yung app na ChuChu App. Konti pa lang po kming nakakaalam na may secret setting yung app. Daming knows kc nung gumawa teh hahaha. Pero nakatulong po talaga sya ng sobra 

seen

 Me: Ay ganon. Saan pwedeng iinstall yung app? 

Tekla: Sa KS teh.

Me: KS? 

seen

Tekla: Oo. Kaek-ekan Store dai. Diba pagkainstall mo nung app punta ka sa settings tas may makikita ka don na 'ChuChu App . . . ' di ba may tatlong dot dun?? pindutin mu yon tas biglang may lalabas dun na input password. ang ilalagay mo ay 'hindikamahalnongago'.

Pag nagblack bigla yung screen malilipat na agad yun sa SD & SB theme. pwede ka dyang magpost kung ano bang klase ng SD ang gusto mo. Hintayin mu lang yung magrereply tas pm na lang kayu.

Me: Pano naman malalaman kung matino yung magiging SD mo? 

seen

Typing. . .

Tekla: Pag-uusapan nyo muna kung ano ba ang pakay nyong dalawa. Pag sinabi na liklik lang aba wag ka ng tumanggi pa!! pero kung mababa bigay wag ka agad papayag. Malulugi ka teh.

Kung ayaw mo naman na may mangyaring kababalaghan sa inyo at gusto mo lang talaga na frenny frenny kayu pwede din naman. Ang kasu lang madalang ka lang makakahanap ng ganun. Minsan kasi pwede kang maloko dyan. Sinasabi na friends lang pero iba ang pakay. Kaya ikaw teh mag-ingat ka dahil nagkalat sila. Swertihan lang to dai 

seen

Me: Ay ganon 

seen

Tekla: Yung nakuha ko kasi sobrang bait nya tas need nya lang na magtotour sa kanya dito sa bansa. 10k bigay niya every meet up namin. May lahi itong nakuha ko dai.

May gagawin pa ko teh. Good luck sa paghahanap ;

Sasamahan mo lang sya dito na maglibot sa bansa, 10k na agad ang bigay?! Woah

In-open ko na ang app at agad na sinunod ang sinabi ni Tekla. Pinindot ko na ang tatlong dot at may lumabas nga na input password. Hindi mo sya mahahalata kasi parang display lang s'ya dun sa mismong pangalan ng app. Ang astig!

Nagblack na lang bigla ang screen at hinihintay ang mangyayari.

Irerestart ko sana 'tong app kaso biglang may nagpop out sa screen ng phone ko.

PAALALA PAALALA!

KUNG ANO MAN ANG MANGYARI SA'YO AY HINDI NA NAMIN KASALANAN. GOOD LUCK SA MAKUKUHA NYONG SUGAR SUGAR SUGAR ;*

From: ILYREADERS Corporation.

Nang pinindot ko muli ang screen ng phone ko ay bumungad na sa'kin ang mismong loob ng app. Ang taray, may pa newsfeed pa 'to na parang sa Pesbok pero yung kulay n'ya ay red tapos may message button din. Nagkalikot pa ko at may nakitang 'Please input your username'.

Ang nilagay ko naman doon ay 'oebdaoqis' at in-enter.

Nge! Bakit error? Nagtry ulit ako ng panibago.

Qwertyuiop. Error!

Akaigsal. Error!

Huiqpenc. Error!

La! Bakit error nang error? Nagsisimula na kong mainis dito, ah.

Tumingin-tingin naman ako sa paligid. Ah!

Macy07

Loading. . .

Saved!

Ayun! Tinanggap din!