PopNovel

Reading Books on PopNovel APP

She's back with a vengeance

She's back with a vengeance

Author:blackqueen97

Updating

Introduction
Ang salitang pagmamahal ay nagdudulot ng saya at ligaya ngunit maari din maghatid ng lungkot at sakit, katulad sa nangyari sa isang babaeng maganda, matalino at mabait na nagngangalang Agatha Amber Brixton, na walang hinangad kundi makapiling muli ang isang guwapong ngunit walang pusong lalaki na si Augustus Acker, na walang hinangad kundi ang makaganti sa pamilya ng dalaga. Hanggang kailan mamahalin at titiisin ni Agatha ang binata? Magagawa bang mahalin ni Augustus ang anak ng pumatay sa kanyang ama?
Show All▼
Chapter

Amber's pov

Kagigising ko lang nang malala ko ang nangyari kahapon. Naging matagumpay kahapon ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Cathleya na siyang pinakamamahal na aso ni Asher, tinulungan ko siya sa mga dekorasyon at pati na rin sa mga handa, natatawa pa rin ako kapag naalala ko iyon sapagkat parang anak talaga ni Asher si Cath.

"Ash ano ba tumigil ka nga huwag ka mag alala magiging matagumpay ang kaarawan ni Cath." Pagsaway ko sa kanya kasi kanina pa siya pabalik balik.

"Oo na, hindi ko kasi alam ang gagawin ko, alam mo yung parang natataranta't kinakabahan ako na ewan," sabi ni Asher kaya hinawakan ko naman siya bilang pampakalma sa kanya.

"Ash huwag ka mag alala magiging okay ang lahat diba nga ikaw yung tatay ni Cath na kayang gawin lahat kaya huwag kang mangamba magiging masaya ang kaarawan ni Cath." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"At ikaw naman ang nanay ni Cath na laging nandyan para umaalalay sa praning niyang tatay," sabi ni Ash sabay hawak sa aking kamay na siya namang dahilan nakakaramdam ako ng mga paro paro sa aking tiyan.

Nakangiti akong iniisip ang mga pangyayaring iyon ng biglang maalala ko na dapat maaga akong pumunta sa paaralan sapagkat ngayong araw kami magkakaroon ng isang pagsusulit kay Bb. Marquez, kaya nagmamadali akong naligo't nagbihis at nagtungo sa paaralan.

Nang makapasok ako sa aming silid paaralan tumambad agad sa akin ang mukha ni Asher na abalang abala kakareview. Tinapik ko siya sa balikat bilang pagbati ngunit tanging pag tango lang ang sagot niya, kaya minabuti ko nalang maupo sa tabi niya at nagreview ulit. Nang biglang dumating ang aming guro na naging dahilan ng pagkataranta ng mga kaklase ko kabilang na si Asher kaya nangunot ang noo ko sapagkat kahapon siya ang nagpaalala sa akin na magkakaroon kami ng pagsusulit, ngunit sa kanyang kinikilos ay parang hindi siya nakapag review.

"Ash?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ber, di ako nakapag review kagabi, nawala kasi sa isipan ko na may pagsusulit tayo ngayon." Maluha luha niyang sabi, kaya hinawakan ko ang kanyang kamay bilang pag comfort sa kanya.

"Papaano na yan pag bumagsak ka sa pagsusulit na ito siguradong mapapagalitan ka ni Bb.Marquez," sabi ko kay Asher.

"Oo nga eh papaano nato?" Natataranta niyang sabi.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang nagsalita si Bb. Marquez.

"Mga bata makinig kayo, hindi matutuloy ang ating pagsusulit ngayon sapagkat nagkaroon kami ng biglaang meeting, kaya inaasahan kong matataas na marka ang maibibigay ninyo Sa akin sa araw ng lunes, iyon lamang at pwede na kayong umuwi." Pagkaalis ng aming guro ay naghiyawan sa galak ang aming mga kaklase at parang nabunutan naman ng tinik itong kaibigan ko.

"Ayan Ash, may pagkakataon ka pang mag review iwan ko nalang talaga pag sa lunes nakalimutan mo pa." Natatawang paalala ko sa kanya habang nag aayos ng gamit para makauwi.

"Hindi na talaga ber, itatatak ko na talaga iyon sa kokote ko, katulad ng pagtatak ko sa pangalan mo sa puso't isipan ko," sabi ni Asher na dahilan upang mag init ang pisngi ko.

" Ber, tignan mo mukha mo para kang kamatis." Tumatawang sabi niya, kaya napahawak naman ako sa pisngi ko, nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Ber, pasensya na ngunit hindi kita ma ihahatid ngayon sapagkat nagkaroon ng emergency sa bahay, sige ber mauna na ako ingat ka." Nagmamadali niyang sabi, hindi man lang ako naka sagot sapagkat sobrang nagmamadali siya.

Kukunin ko na sana ang bag ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang itim na folder, alam kong kay Asher iyon sapagkat nakita ko iyon sa kaniyang bag noong nakaraang araw kaya dinampot ko iyon at ilalagay ko na sana yon sa bag ngunit na intriga ako kong ano ang laman sa loob, kaya naupo muna ako at binuklat ang folder at nang mabuksan ko huminto ang mundo ko sa nakita, mga litrato ko iyon kasama si Asher ngunit hindi ko alam na kinukuhanan niya ako ng litrato, dahil sa nakita ko lumakas ang kabog ng dibdib ko ipagpatuloy ko pa sana ang pagtingin sa folder ni Asher nang tumunog ang kampana na ang ibig sabihin ay dapat mag si uwi na ang lahat. Kaya minabuti ko nalang uwi at doon na lang ipagpatuloy ang naudlot na aking ginagawa.

Nang makauwi na ako ay naglinis ako ng katawan at kinuha ang folder ng kaibigan ko, matapos kong matignan lahat ang mga litrato ay nahagip ng aking mga mata ang maliit na asul na sobre na nakadikit sa folder na may na ka sulat na mi amore kaya dahil doon napilitan akong buksan iyon at tumambad sa akin ang isang sulat nanagpakabog at nag pagalak sa aking puso.

To: Agatha Ixone

Ligaya, anim na letra na sayo ko lang tunay nadarama pag tayo'y magkasama. Mabait, maganda, mapagmahal ayan ang ugali mong kailan man hindi ko pagsasawaan. Mahal kita higit pa sa kaibigan ngunit baka ika'y lumayo pag nalaman mo ang aking pagsuyo. Pilit ko itong pinipigilan ngunit sa bawat araw na tayo'y magkasama sa ngiti mo pa lang ako'y nahuhulog na. Patawad aking kaibigan kung minahal kita ng lubusan na higit pa sa kaibigan, patawad kung hindi ko ito napigilan.

Dahil sa aking nabasa lubos na na galak ang aking puso't isipan na hindi ko namalayan na nakatulog na akong may ngiti sa labi at yakap yakap ang sulat.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmula sa kwarto ng mga magulang. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba na di ko mawari kong bakit, at ngayon lang nangyari na nagtatalo sila na ganito kalala na yong tipong nagsisigawan na silang dalawa. Kaya minabuti kong bumaba, nang pababa ako ay napansin iyon ng mga magulang ko dahilan upang humupa ang kanilang pagtatalo. Nang tuluyan na akong nakababa ay nakita kong umiiyak si mommy kaya nag alalang lumapit ako sa kanya.

"Mommy bakit po may problema po ba?" Sabay yakap ko sa kaniya ngunit hindi siya sumagot sa tanong ko at tinitigan lang si daddy.

"Wala baby, nagpapaalam lang ang daddy dahil pupunta ako sa Thailand upang asikasuhin ang bagong kumpanya natin doon, yang mommy mo talaga kahit kailan iyakin," sabi ni dad ngunit kasabay noon ang nakita kong mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

May nararamdaman akong kakaiba sa mga magulang ko na parang may itinatago sila sa akin kukulitin ko pa sana sila ng maalala ko na pupunta pa pala ako kina Asher, nagpaalam ako na may pupuntahan lang at babalik naman agad, habang na sasakyan ako hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin sa sulat ni Asher paulit ulit ko na itong nabasa ngunit hindi pa rin ako nagsasawa ganoon ko talaga kamahal si Asher.

Nang makarating kami sa gate nina Asher ay nagtataka ako kung bakit hindi man lang ako pag bubuksan dati rati ay paparating palang ako nakabukas na agad yung gate ngunit ngayon hindi, nagtataka ako kung bakit hindi ako pinapansin ng mga kasambahay nina Asher, kaya napilitan akong bumaba.

"Manang Karla, manang Karla papasukin ninyo po ako," tawag ko sa isa sa mga kasambahay nina Asher ngunit yumuko lang ito na dahilan na uminit ang ulo ko.

"Manang Karla ano ba papasukin ninyo po ako!" Galit na sabi ko sa ali ngunit tinalikuran lang ako nito at umalis.

Dahil sa inasal ng kasambahay napilitan akong kunin ang cellphone ko at tawagan si Asher ngunit bigo ako sapagkat hindi ito sumasagot.

"Manang Cecille, manang Cecille," pagtawag ko sa mayordoma nina Asher sa di kalayuan ngunit parang wala itong narinig na dahilan na kalampagin ko ang kanilang gate.

"Manang Cecile, papasukin ninyo po ako ano ba!" galit na saad ko sa matanda sabay kalampag ng gate, dahil sa ginawa ko'y lumapit ang matanda na nakayuko.

"Amber, pasensya na ngunit wala rito si Asher umalis na sila," mahinahong sabi ni manang.

"Anong wala po rito manang eh kahapon lang magkasama kami sa paaralan, di ako naniniwala manang, Asher, Asher nandito ako sa labas Asher!" Pagsisigaw ko sa gate nila.

"Iha wala nga rito si Asher sapagkat biglang umalis sila patungong ibang bansa kasama ang kanyang ina ng madaling araw, kahit pa na halog hugin mo ang bahay nato," pag paliwanag ni manang.

Dahil sa nalaman ko nakaramdam ako kirot sa aking puso kasabay non ang pagbuhos ng mga luha ko.

" Ber, pasensya na ngunit dapat ka ng umuwi sapagkat uulan na, at kung itatanong mo sa akin kung saang bansa sila nagtungo wala akong maisasagot sayo sapagkat wala rin akong alam," wika ni manang sabay umalis. Kaya wala akong nagawa kundi umuwing pugto at kumikirot ang puso.