PopNovel

Reading Books on PopNovel APP

Against All Odds

Against All Odds

Author:LADYALLY_15

Updating

Introduction
This story is in filipino language, suitable for filipino readers only. I don't have english language story because of the fact that I'm not Amerikan. I'm still minor and learning how to speak.... I'm only 16 years old, plss bear with me☺️☺️☺️ Natanong mo na ba ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo inaasahan na kaya mo palang gawin, naranasan mo na bang kwestiyonin ang kakayahan mo? Ano bang klaseng tao ka?. Naranasan mo na bang magtaka, mamangha, magulat na meroon ka pa palang hindi na didiskubre sa iyong sarili. Anong magagawa mo para sa sarili mo, para sa mundo?......... Anong magagawa mo para sa taong.......... Mahal mo.......... Ang storya kung saan hindi matatakasan ng kasalukuyan ang nakaraan. Madaling sabihin na tapos na pero ang totoo nagsisimula palang sila. This story is a mystery suspense, if you want something mind blowing, this story suits. This is still on-going, expect such typographical errors and wrong grammars.......... This is my first story, so pls do vote and write some comment, I really appreciate that and also it will boost my confidence on writing.
Show All▼
Chapter

  BEATRISSE'S POV

  tok tok tok tok tok tok......

  Yan ang tunog ng pinto pag kinakatok.

  paulit-ulit ang ingay ingay sobra para akong pinupokpok ng martilyo sa ulo sa sobrang lakas ng pagkakakatok sa pinto ng kwarto ko.

  "punyemasssss!!!" panay ang ikot ko sa kama at talukbong ng kumot sa mukha ko. maya maya pa nagsimula nang mag alarm ang cp ko, indication na papasok nako sa unang araw ng klase.

  kinuha ko ang phone ko at pinatay ang maingay na alarm na ang sarap ibato sa kung saan, pero di pwede mahal ko cellphone ko mas mahal ko pa to kesa sa boyfriend ko.....

  .......wait.......what?,....boyfr...... Pssshhhh!!! naalala ko wala nga pala akong boyfriend.

  hindi parin matapos ang katok sa kwarto ko hanggang sa nasira na ang doorknob nito. Tuluyan nang nakapasok ang demonyita kong kaibigan at sinimulan ang pandedemonyo sakin.

  inalog-alog niya ako, dinagan-daganan sinipa sipa. Di pako nagigising mababali na buto ko sa demonyong babae na to.

  "hmmmm anu baaa!!?" ungol ko at tinulak siya paalis sa kama ko. Nakakairita puyat na puyat panga ako kasi alas tres nako nakatulog dahil sa panonood ng k-drama, like what the fuck b*tch give me some sleep.

  " Hooooy!!! gumising kana 6:30a.m na 7:00 a.m mag uumpisa ang klase bornoks kang babaita ka"

  "kala mo ba si sleeping beauty ka, na hindi ka magigising kapag dika nahahalikan..... blah blah blah...." sa sobrang dami niyang sinasabi napilitan akong bumangon. Naknamputcha, bangag na bangag ang datingan ko nito.

  di ko na siya pinansin kahit panay ang talak niya sakin. Nakapikit at mukha akong zombie dahil sa lakad ko papuntang banyo. Pagkatingin ko sa salamin agad akong nabuhayan dahil sa nakita ko.

  "oh my ghaaaaaad!!!!!!" napabawak pako sa mukha ko "that person is a living angel, kahit saang angulo tignan ang ganda ko talaga" bulalas ko sa sarili at sinipat sipat ang mukha na para bang isang maganda at sikat na painting na ipininta ng sikat na pintor sa mundo.

  masaya akong lumakad papuntang shower area ng cr ko at binuksan ito. Lalo pakong nabuhayan dahil sa lamig na dulot nito sa mainit kong katawan.

  Pag labas ko ng banyo, wala na ang matalak kong kaibigan. hayyyyst salamat naman at matatahimik na ang buhay ko. Sinimulan ko ng magbihis at mag-ayos para sa pagpasok sa school. After ko magbihis or magayos whatsoever lumabas nako ng room ko at nakasalubong ko naman ang kapatid ko.

  "hi ate!" excited niyang bati at biglang yakap sakin. Alexi is such a blessing for me, at bilang ate niya I will do everything for her. "Good morning ate, kumain kana ba, kasi ako tapos na po akong kumain" dugtong niya. Ginulo ko ang buhok niya dahil sobrang cute niya talaga.

  medyo bumaba ako para magkapantay kami"ate can't eat for now, maybe later because ate is already late" sabi ko habang inaayos ang manggas niya.

  Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming bumaba papuntabg sala. Just like what i expected my two friends are there waiting for me.

  bored na nakatingin sakin si Mica while sandra, as usual nakatingin nanaman sakin ng masama kasi nga late na kami.

  lumabas na si mommy dala niya ang gamit namin. Kinuha ko bigla yung akin at sinilip ang loob hinahanap ang pinaka importanteng bagay sa mundo, ang baunan ko na puno ng foods.

  "di pa ba tayu aalis?, we're already late bea and also alexi too" sabi ni mica na bored na bored na talaga sa buhay niya.

  "kung bakit ba kasi napaka bagal mong kumilos, kung sana gumising ka ng maaga at hindi ka nagapak sleeping beauty.......ratatatatatatatatatat........." at heto nanaman ang bunganga ni sandra na walang ginawa kundi tumalak lang. Kala mo machine gun ehh.

  Tumingin ako sa kanila at tinarayan sila isa- isa "ito na nga ehh diba, maayos na nga ehhh, psh ang iinit ng ulo" sabi ko at nanguna nang maglakad papuntang garahe ng bahay namin. Sumunod naman sakin ang mga bruhang pinaglihi sa sama ng loob.

  habang palabas nakasunod lang samin si mommy at kasama niya si alexi, yung dalawa naman nauna na sa loob ng kotse. sumakay na rin ako sa loob at kasunod ko lang di alexi, kumbaga si alexi ang nasa passenger seat at kami asa back seat lang.

  "bye tita, Amanda!!!" paalam ni sandra

  "bye po!!" sabi naman ni micc na may paf wave pa.

  "bye alexi, bye beatrisse, makinig kayo don haaa" she said and then the car starts to move. As always si mica laging naka earphones and si sandra naman, heto't nagme-makeup.

  I actually don't like makeups kasi sabi ni mommy magkakaroon daw ako ng maraming pimples. Ayoko nga magkaroon ng maraming pimples kasi ampanget non, at bilang isang babae kailangan malinis ka.

  " bea!, maglagay ka kaya ng kahit konting pampaganda dyan sa mukha mo, para naman di ka magmukhang maputla" sabi sa akin ni sandra pero umiling lang ako.

  Kaonting minuto pa ang ginugol namin sa kotse at sa wakas nakarating na kami sa skwelahan, ang daming studyante. Kahit late kami di naman masyadong halata kasi marami pang palakad lakad sa campus.

  "pupunta tayong principal's office ang sabi ng registrar para malaman kung ano ang section natin" sabi ko sa kanila, pero syempre bago yon mangyare kailangan muna namin ihatid si alexi sa room niya.

  Unlike sa amin madaling hanapin ang room ni alexi dahil nakasulat na yong section niya sa registration form niya, di na niya kailangan pumuntang principal's office.

  after namin ihatid si Alexi lumakad na kami papuntang office pero.....

  " san ba ang office?" tanong ni mica.

  "ewan ko tanung mo sa guard" sabi naman ni sandra na nakaturo pa sa guard na nasa gate.

  agad kaming lumapit sa guard pero bago pa kami makalapit ay merong isang sasakyan ang humaharurot papunta samin. Kahit malayo pa na sesense ko na kung ano ang pwede mangyari, ngunit sobrang bilis talaga ng harurot niya hihilain ko na dapat si mica at sandra pero nakailag na sila don. hayyyst buti naman.

  Dahil sa galit ni sandra pinalo niya ang likod ng kotse, sobrang lakas na tipong nakuha namin ang atensyon ng ibang studyante. huminto naman ang kotse.

  "hindi ka ba marunong magmaneho?, haa?, gusto mo ba kaming patayin?" sigaw ni sandra habang hinahampas hampas pa ang sasakyan. Binaba ng lalaki ang salamin ng sasakyan niya.

  "di kaba tumitingin sa dinadaanan mo?, paharang harang ka para kang kabute" sabi ng lalaking asa loob. Hindi siya nagiisa marami sila sa loob at mukhang nagtatawanan na sila ngayon.

  Naiinis ako, naiinis ako sa inaasta nila nakakabadtrip sila pero hanggat maaari chill lang ako.

  sandra is about to say a thing pero pinigilan na siya ni mica.

  "hindi dapat tayu nakikipagaway ngayon, first day of classes palang" mica said. hindi na pinansin ni sandra ang mga yon nakinig nalang siya kay mica, if i were sandra, di ako papapigil kay mica, kung ganon ka nakakagigil ang kaaway mo.

  pinuntahan namin ang guard gaya ng pinag-usapan namin at nasabi naman niya samin ang daan pspuntang office.

  "Nakakainis talaga!!!! aaarrhhhgggg" sandra said in frustration. "mung hindi mo lang ako pinigilan baka nalumpo ko yong g*g*ng yon ehhhh" dagdag niya pa. Mukha siyang nagpipigil ng tae sa isang lugar na sobrang lamig at walang CR.

  "dapat kasi hindi ka nakikinig dito kay mica hayyst, warlalo na sana ehhhh"

  sabi ko at binatukan naman ako nitong honghang na si mica.

  "kung hindi ko gagawin yon, sa tingin niyo ba maganda na first day palang may nakaaway na tayu agad?, hindi niyo kasi iniisip kung ano pwede mangyare ehh sugod lang kayo ng sugod sa away, just like old times kaya na kick out tayu ehhh" sabi niya na nagpatahimik naman sami.

  May point siya don hindi na pwedeng padalos-dalos ang kilos namin ngayon lalo na nakick out lang kami sa former school namin. Minsan talaga may sense kausap tong toyo na to.

  Nakapunta kami sa office ng tahimik. Pag pasok namin meroong isang medyo may edad nang babae ang sumalubong sa amin.

  "good morning students!!, how may I help you?" sabi niya samin

  "kukunin lang po namin yung registration paper namin at name ng section" sabi ko naman. nagnod naman siya samin at may kinumuha sa under ng table niya.

  isa isang binigay sa amin ang reg. form namin.

  "by the way I am MRS. SEVILLA and I am the principal of this school, welcome to DEL CARMEN'S INTERNATIONAL SCHOOL" sabi niya at binigay na samin ang reg. form

  binabasa ko ang nakasulat dito sa reg. form ko puro schedule lang pala namin to nang buong school year. Nadako ang paningin ko sa pangalan ng school, del carmen international school.

  i don't know but i have this kind of feelings in my chest and it's kinda weird to explain. parang napaka conected lang. I know i have the ability that everything that i think might happen has big chance of coming true.

  hindi ko alam pero parang ang laki ng kahulugan ng salitang del carmen, ano kaya yon, ano ibig sabihin non at higit sa lahat

  bakit kailangan ko makaramdam non !!!???

  __________________

  A/N