SAN SEBASTIAN CATHEDRAL, isang lumang simbahan kung
saan nakatakdang ganapin ang pag-iisang dibdib nina Yvonne Del
Viejo at John Michael Dior.
Bumukas ang malaking pintuan ng naturang simbahan,
iniluwa ang pinakamagandang bride sa araw na iyon.
JM lightly scratched his two palms. His eyes moistened while
looking at the love of his life walking down the aisle. On that
moment, he felt something different for unknown reason.
Sumara ang pintuan. Maya-maya lamang ay muling bumukas
ang pinto at pumasok ang isang babaeng umiiyak. Napatingin dito
ang lahat ng mga bisita. Lahat ng atensyon ay nakapokus sa babae.
“Father, maawa po kayo sa akin at sa magiging anak ko.
Huwag n’yo pong hayaang makasal ang lalaking ’yan,” turo nito
kay JM na naguguluhan. “Siya ang ama ng dinadala ko. Ayokong
mawalan ng ama ang bata sa sinapupunan ko,” ani ng babae. Sapo
nito ang luhaang mukha. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha.
Lahat ay napasinghap sa narinig, maliban kay JM na mahigpit
na ikinuyom ang kamao.
In a blink of an eye, he saw his bride running away; from him
and their wedding. He was left dumbfounded. Tumakbo na rin
palabas ng simbahan ang babaeng sumira ng kasalan.
“Bakla! Tulungan mo ako, please. Itago mo ako, dali!”
“Nangyari sa ’yo? At bakit ganyan ang amuks mo? Para kang
hinahabol ng tigre.”
“May humahabol talaga sa akin, kaya nga ako tumatakbo. May
nagawa akong kasalanan, sinira ko ’yong kasalan sa simbahan,”
nahahapong wika ni Nicole.
“Anooooo?” Nanlaki naman ang butas ng ilong ng kaharap.
“Gaga ka ba? Bakit mo ’yon ginawa?”
“No choice. Alam mo namang kailangan ko ng pera
pampaopera kay Nanay. Impromptu ’yong offer, e. Hindi na ako
nagdalawang-isip. Tinanggap ko na lang.”
Problemadong nakatitig sa kanya ang kaharap, nakakrus ang
dalawang kamay nito sa dibdib, at nakataas ang hindi pantay na
mga kilay.
“Gaga ka rin, ’no? Buhay mo naman ang inilagay mo sa
kapahamakan. Paano kung hunting-in ka ng groom, aber?”
“Ibaba mo nga ’yang kilay mong hindi pantay. Kaya nga itago
mo ako sa halip na sermunan. Ibibigay ko sa ’yo ang pera. Ikaw na
muna ang bahala kay Nanay.”
“Kapag nalaman ng nanay mo ang ginawa mo, naku! Hindi
lang kurot sa singit ang aabutin mong bata ka!”
“Puwede ba, Lucio, itigil mo muna ’yang bunganga mo?”
Pinandilatan siya ng kaharap sabay hampas sa kanyang braso.
“Aray!”
“It’s Lucy, not Lucio,” maarteng wika ni Lucio este Lucy
Itutuloy...
