WAYNE POV
Present day.
I tasted the last drop of my whiskey when the door swung open. At pumasok ang luko-luko kong kaibigan na kararating lamang ng States. I smirked with his sudden visit.
"Sino na naman ang luhaang babaing iyon na dinispatsa mo?"
Isang sulyap ang binigay ko kay Miguel bago muling tumayo at tinungo ang maliit kong bar counter sa loob ng opisina ko. Pinasadya ko pang pinagawa ito para kung ano mang oras gugustuhin kong uminom ay pwede akong uminom. Lalo't nitong mga nakaraang araw ay nae-stress ako sa biglang pasulpot-sulpot na lang ni Jelyn sa Condo Unit ko. Kahit di ko naman ito pinapapunta. Kaya naglalagi na lang ako sa opisina para maiwasan ito. Sinabihan ko na din ang mga guwardiya sa labas ng building ng opisina na huwag itong papasukin o kahit na sinong babaeng maghahanap sa akin at sabihin dito na wala siya, busy or out of town or kung anong dahilan ang maisipan nilang sabihin basta huwag sabihin kung nasaan ako. Iwan ko ba kung bakit may isang nakalusot ngayon.
"Ang ganda ng pasalubong mo sa akin, ah."
I heard his evil smirked, "Di nga? Sino na naman ba yun? Wala na kayo ni Jelyn?"
I smirked. Nilagok ko kaagad ang bagong kuha kong whiskey. "Ba't ka napadpad dito?"
"Sus! Umiiwas ka lang. Sino nga 'yung babaeng pinaluha mo na nakasalubong ko?" Kulit pa ni Miguel sa akin.
"Pinaluha ka diyan. Wala akong ginagawa sa kanya, ah."
"I bet, meron. Luhaan eh." Tudyo niya sa akin.
"Hindi nga! Kulit din nito. Anong atin at napadpad ka dito? Lagot ka kay Tito pag nalaman nun na inagahan mo ang uwi para mag hasik na naman ng lagim dito sa Manila. Tiyak itatapon ka na naman nun pabalik ng States." I chuckled.
"Naku! Style! 'Wag mong ibahin ang usapan at may nakita ako ng papasok ako dito. Tiyak na pinaiyak mo 'yon."
"Subra ka naman sa'kin Bro. Anong palagay mo sa akin? Malinaw naman ang usapan namin sa simula pa lang na no string attach. Iwan ko ba sa babaing yun at ang hirap umintindi ng salitang walang kami."
"Berdugo talaga ng mga babae."
"Ang sama mong kaibigan. Sinisira mo ang pagkatao ko. Kanino pa ba ako magmamana? Sayo di ba? Pareho lang naman tayo."
Napahalakhak ito ng malakas sa sinabi ko. Sabay upo na naka de kwatro habang ang dalawang braso ay nakapatong pa sa sandalan ng malaking sofa sa loob ng opisina ko. Feel at home ang g*go.
"May sisirain pa ba Bro? Hindi ba at matagal ng malaki ang sira?"
"Sira ulo ka talaga kahit kailan! Baka may makarinig sayo at maniwala sa mga pinagsasabi mo."
"Honestly speaking Bro, what makes you stop to get serious and commit with a girl? It's been a long time since you have been in a relationship with Jelyn. You're not getting any younger. You are already thirty years old, bro."
"Wow! Coming from your mouth? Am I the only one here who doesn't like commitment?"
Napahalakhak itong muli sa sinabi ko at ngiting asong nakatingin sa akin. Sarap sapakin! Kahit kailan talaga ang isang 'to nakakaasar. Isa rin namang berdugo.
"So bakit nga? I want to know why. Maybe my mind will change too, if magustuhan ko ang reason mo, ano?"
Napapabuntong-hininga ako habang iniikot-ikot ang aking swivel chair at dahan-dahang tumayo at umupo sa edge ng aking mesa. "It's simply because, I can't still find any girl that will surpass my standard."
Napabangon sa sofa bigla si Miguel sa sinabi ko at nakakunot noong hinarap ako nito. "At ano na namang standard na yan ang tinutukoy mo, aber?"
"I should be the first man in a womans' life. It's a big factor for me."
***
"Inay ko po... utang na loob mag bihis ka!"
He laughed wholeheartedly. "Don't tell me it's your first time seeing a naked man?"
"Kung sasabihin kong oo... maniniwala ka ba?!"
"No."
Napapadyak ako sa sagot n'ya. "E 'di hindi! Nagtanong ka pa! Basta magbihis ka! Kanina ka pang nakahubad d'yan.. hindi ka ba nilalamig?!"
"No. Mas lalo pa nga akong... naiinitan."
"Anak ng... 'wag mo akong dem*nyohin at makakatikim ka talaga sa akin!"
"Anong ipapatikim mo sa akin? Can't wait to taste it babe."
"Parang wala kang pinagkaiba kay Mr. Cheng!" asik ko sa kanya.
"Mas gwapo naman ako dun."
"Aba't... 'di ka lang pala manyak. Conceited ka pa.!"
Natahimik s'ya. Malagkit n'ya akong tinitigan. "Magkano ba ang rate mo?"
Napakunot noo ako. "Rate? Anong rate ba ang pinagsasasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Come on, huwag na tayong maglukuhan pa dito."
"FYI lang Mister, hindi ako nakikipaglukuhan sayo..!"
"Give me this night and I'll give you what you want."
"Anong ibig mong sabihin? At anong alam mo sa gusto ko?"
"Alam kong... alam mo na ang ibig kong sabihin."
"Paano ko malalaman ang nilalaman niyang utak mo e hindi naman ako manghuhula..!"
He smirked. "Naiintriga ako sa style mo Miss. Nagpapataas ka ba ng presyo? But.. It's fine. Na-cha-challenge ako lalo. Tutal, tinakasan mo naman yung costumer mong si Mr. Cheng... ako na lang ang harapin mo. Name your price babe and I'll give it to you."
"Hindi ko kailangan ng pera mo! Ang kailangan ko ay kung paano ako malabas sa kwartong ito at makalayo sa mga humahabol sa akin at... lalo na sayo!"
"Really..? How about a hundred thousand? No.. fifty hundred thousand? And you're mine tonight." mabilis niyang offer sa akin.
"Binibili mo ba ako..?!"
"Yes." walang kaabog-abog na sagot n'ya.
"Aba't..." sinamaan ko s'ya ng tingin ng matamang pinasadahan n'yang muli ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa habang nakataas pa ang gilid ng kanyang labi.
"Hindi ako bayarang babae kung yan ang iniisip mo! Hindi ko kailangan ang pera mo!"
I saw his evil smirked. "Pakipot ka pa. Sinong pinagluluko mo? Sa club ni Madam Baby ka naman nagtatrabaho. May looking for my friends ka pang nalalaman kanina."
Natigilan ako. "S-sinong may sabi...?"
"Sino pa ba sa tingin mo? Kasama siya ng mga Pulis kanina."
"P-Pero nagsasabi akong totoo na waitress ako do'n..!"
"Really? Waitress....?" Nangniningning pa ang mga matang pinasadahan n'ya ako. "Ganyan kaikli ang suot? Kita na ang kaluluwa mo." he step forward while mocking me.
Bigla akong nataranta. "Wait..! Sandali lang..!" ngunit hindi n'ya ako pinansin. "Huwag kang lalapit... Sabi ng sandali lang...!"