ASHLEY'S POV:
Grabe napakasama talaga lagi ng araw ko, siguro nung umulan ng kamalasan bumagsak na sa'kin lahat.
Andito nga pala ako sa napakadugyot kong kwarto at nakahiga sa malambot este nakakayamot na banig, wala kasi kaming pambili ng magarang foam alam n'yo na naman na masmahirap pa kami sa ipis eh, di joke lang wala pa kasi kaming pera sa ngayon eh.
By the way, magpapakilala muna ako para naman makilala n'yo kung sino ako diba?
Now I Introduce my self to you, my name is Ashley Nicole Alvares and I'm 17 years old.
Lakas makasosyal ng pangalan ko diba? pero hindi naglalarawan ang pangalan ko ng estado ng buhay ko ngayon, grabe sana talaga kasing sosyal ng pangalan ko ang kapalaran ko kaso kapag isinumpa ka ba naman talaga.
"Anak bumangon ka na d'yan baka mahuli ka pa sa school n'yo!" nag-aalburotong sigaw ni mama habang pinapalabas n'ya na ako sa kwarto para kumain na.
S'yempre masunurin akong anak kaya bumangon na ako at tumungo na sa mesa kung nasaan sila ng kapatid ko.
"Ate, kumusta ang dream... Guy mo? mukhang bitin ka pa sa tulog ah?!" natatawang salubong sa'kin ng siraulo kong kapatid na si Alea, tulad ko pangsosyal din ang pangalan n'ya. Alea Jane Alvarez lang naman.
"Kutusan kita d'yan eh, ang sama na nga ng araw ko dahil sa project na hindi ko pa natatapos, dumagdag ka pa!" singhal ko sa kanya, paano ba naman kasi wala na s'yang ginawang maganda sa buhay ko bukod sa asarin ako araw-araw, ngayon pa talagang badtrip ako.
“Nakalimutan mo na bang wala ka ng project ngayon kasi magtatransfer ka na?” rason ni Alea na agad na ikinakunot ng nuo ko.
Oo nga pala noh!
“Nasobrahan ka kasi sa talino eh, 'yan tuloy.” dagdag pa n'ya.
Pero hindi ko nalang s'ya pinansin at umupo na lang ako sa isang bakanteng monobloc chair namin para simulan ng kumain nang makaligo na rin ako.
"Oh, magtigil na nga kayong dalawa d'yan puro nalang kayo asaran, ikaw naman Alea tigilan mo ang ate mo, papasok pa 'yan sa school." pagsaway sa amin ni Mama, tila nanibago ako sa kanya para kasi s'yang sinaniban ng anghel ngayong araw. Dati kasi ako lagi ang pinagsasabihan n'ya sa tuwing nag-aasaran kami ng kapatid ko.
Natameme ang kapatid ko dahil dun at ako naman 'tong si loko ay lalo ko s'yang ininis para naman kahit papaano makaganti man lang ako sa mga pang-iinis n'ya sa'kin parati.
Tinitigan ko ang kapatid ko na may pang-aasar sa'king mukha na ikinainis n'ya at parang gusto n'ya na akong isumpa.
"Ikaw naman Ashley, 'wag mo nang patulan ang kapatid mo para di na kayo parating nagtatalo." pagsaway din sa'kin ni Mama na ikinatuwa naman ng ugok kong kapatid at ikinasimangot ng d'yosa kong mukha.
Nang matapos na kaming makakain ay iniligpit na ni Mama ang pinagkainan namin, 'yun na rin ang naging senyales ko para maligo na.
Nang akmang pagbuhos ko na ng tubig sa katawan ko ay napatili ako dahil sa malayelong lamig na dumampi sa makinis kong balat.
"Ahhhhhhh!!!"
"Ano ba 'yan anak, ayos ka lang ba d'yan?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mama.
"O-okay lang po ako Ma, sobrang l-la-lamig l-ang po ng t-tubig-g!!.." tugon ko naman kay Mama na may panginginig sa aking tono.
Hindi na sumagot sa'kin si Mama at narinig ko na lang na may kumakatok na sa pintuan ng CR.
"Anak buksan mo ang pinto, ito yung thermos ibuhos mo 'tong mainit na tubig sa balde para maging maligamgam." narinig kong utos sa'kin ni Mama at agad akong nagtapis ng tuwalya saka binuksan ang pintuan. Iniabot sa akin ni Mama ang isang Thermos at agad ko tong kinuha sabay ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.
Nang maibuhos ko na ang mainit na laman ng Thermos sa malamig na tubig sa balde ay agad na akong naligo at nagpantasya na dahilan para abutin na ako ng isang taon sa CR.
Sa wakas ay natapos na rin akong maligo.