Masayang maging bata, yung tamang laro laro kalang walang iniisip na problema, masasaktan ka lang sa physical, yung uuwi ako sa bahay na may sugat sa tuhod dahil sa natamong galos sa paglalaro. Agad naman yung gagamotin ni Mama.
"May sugat ka nanaman Bibi eneng ano ba yan! Halika nga" ani Mama, pinaupo nya ako sa upuan naming plastik. Habang nakaupo sa hapag si Mama, hinipan nya muna ang sugat ko at nilagyan ng betadine at band aid "Gagaling na yan! Good si Mama diba?" Anya sabay yakap sakin.
"I love you Mama" hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Hmm. Mahal din kita 'nak."
Alas syete na ng gabi dumating si Papa agad nya akong binigyan ng isang sopot. Nag blink agad mata ako.
"Ano to papa?" Ani ko habang binubuksan ang sopot"
"Buksan mo para malaman mo!" Ani Papa at lumapit sya kay Mama para halikan.
Binuksan ko yun nang makita ang tsinelas na cinderella ang drawing "Wow!" Sabi ko at agad nang isinuot ang tsinelas. Sakto lang.
Tumakbo ako kay Papa at niyakap sya ng mahigpit.
Tumawa silang dalawa. Ako naman ay pinagmamasdan ang tsinelas na pinangarap ko minsan at ngayon ay natupad.
Kinabukasan araw ng klase, nakita ko si Naryem at Jayvee habang nasa shade house at nagkwekwentohan habang tumatawa. Mag jowa silang dalwa. Grade 4 palang kami may Jowa na si Naryem, kaibigan ko.
Nakita ko Resel, isa ring kaibigan ko. Lumapit ako sa kanya habang nakapila pa sya para bumili ng sandwich, kinalabit ko sya at nginuso ang nasa shade house "Grabe yung dalawa maglampongan oh! Haha! Ano kaya feeling ng may Jowa noh?" Pabulong kong ani.
"Bat moko tinatanong eh wala naman ako Jowa!" Masungit na ani Resel, napangiwi naman ako.
"Tingnan mo naman. Mukhang masaya magkajowa!"
"Magjowa kana kaya para maranasan mo. D yung tanong ka ng tanong sakin. Saka magbebreak din yan hahaha pustahan." Sabay ngisi nya.
"Gago---"
"Hoy! Ano ba umalis ka nga dyan harang ka naman eh! May nakapila! Kung pipila ka don ka sa likod wag ka sumingit!" Masungit na ani ng lalaki. D ko kilala siguro Grade 5 to.
Napaismid nalang ako at naglakad papunta sa shade house, nasa iisang shade house kami ni Naryem kasama ang jowa nyang si Jayvee.
Naghanap ako ng ibang shade house kaso puno yon kaya wala akong choice kundi dito makishare sa mag jowa na to.
Grabe harotan nila kakairita.
Paismid ismid lang ako sa kanila. Ang taray ni Naryem parantanga lang.
"Hoy!" Ani Resel na kararating lang "bakit ansama ng tingin mo don sa dalwa hahaha"
"Harot eh!" Ani ko, agad kong hinablot sa kamay ni Resel ang C2 nya at ininoman yon.
Nanuyo lalamonan ko sa dalwang to eh.
"Hoy!" Sinapok ni Resel ulo ko ng mahina "Bakit ka nang aagaw d naman sayo!" Sabay irap nya.
"Nanuyo lalamonan ko eh!" Sagot ko.
Umismid nalang sya at nilagok ang C2 natira ko. Damot lang eh! Hahaha.
"Pag ako naging jowa nyan d lang yan ang mararanasan nya sakin" mahinang ani Resel habang nakatingin kami sa dalwang naghaharotan.
Kinilabotan ako sa kanyang sinabi.
D nalang ako umimik at pinagmasdan ang dalawang naghaharotan. Mabait si Naryem, ewan ko kay Jayvee dahil d naman namin sya kaklase, kaschool mate lang. Pero sa tingin ko naman ay mabait sya, lagi nyang hinahatid at sundo si Naryem sa bahay nito.
Lumipas ang ilang linggo, nang mabalitaan ko kay Resel na wala na raw si Naryem at Jayvee. Ilang araw palang wala na agad? Ganon ba talaga ang magjowa laging hindi tumatagal. Laging may hiwalayan na nagaganap?
Laging malungkot si Naryem 3 days ako, siguro dahil sa paghihiwalay nila ni Jayvee. Kakatakot palang magjowa mukhang masakit eh.
"Rizavin... Shhh kalang ha! Kami na ni Jayvee" pabulong na ani Resel, nasa canteen kami. Si Naryem naman ay nagpaiwan sa room dahil masama raw pakiramdam.
D pa nagproseso sakin ang kanyang sinabi, napakurap kurap ako.
"Yung naging boyfriend ni Naryem? Jo-jowa mo?"
Tumango sya "Oo! Hehe, quiet kalang kay Naryem ha! Sabi kasi ni Jayvee wala na raw sila dahil ako daw mas gusto nya hehehe... Enebe kinikilig ako Rizavin!" Niyugyog pa nya ako.
Pwede ba yon? Yung kakabreak palang may bago na agad?
"Eh... Di-diba ex na sya ng kaibigan natin. Ex na sya ni Naryem"
"Oo nga pero... Maiintindihan naman yon ni Naryem. Mabait naman yon. BUTI nga sinalo ko pa hehe" kinikilig na anya, tumingin sya sa likod "andyan na syaaa..." Agad syang lumapit don at hinalikan ang isa't isa. Agad akong tumingin sa malayo.
Nakita ko sa labas ng School ang lalaking nagbibisekleta. Naka no hands pa. Wow! Ang galing.
Araw ng Sabado at naglaro kami ng nga kalaro ko sa kabilang baranggay ng Tumbang preso.
Pinagpapawisan nako. Grabeng tagatak katanghalian.
"Ikaw naman tumira Rizavin!" Ani Clien
Agad ko namang pinatama ang tsinelas ni Clien. Tsinelas nya ang pinagamit nya sakin dahil baka raw masira ang aking tsinelas na cinderella.
Si Clein ay isang kababata ko dito sa Manlapaz.
"Rizavin! Tawag ka non!" Turo ni Rose sa lalaking nakaupo sa ilalim ng puno.
Lumapit ako sa kanya "Oh?" Nagulat pabako bakit sya narito? "Jay-jayvee? Bakit ka narito?" Nagtataka kong tanong.
"Hinahanap ko kasi si Resel akala ko nandito sya sa inyo." Anya.
"Ha? Mag aano naman yon dito saka---".
"Shhh!" Pinatigil nya ako sa pagsasalita habang nasa labi ko ang index finger nya, ang lapit nya sakin kaya amoy na amoy ko ang pabango nya. Nakakahiya naglalaro kami pawisan nako "sabi kasi nya dito ko sya intayin... Pero... Wala namang pala sya pwede bang samahan mo muna amo dito"
"Uh-uhmm." Hinila nya ako paupo.
Halos magdikit na ang tuhod namin sa sobrang lapit.
D kami close, so pano ko to makakausap ng maayos?
"Alam mo bang..." Nilagay nya ang takas na buhok ko sa likod ng aking tenga "wala na kami ni Resel?" Napapaso ako sa bawat dampi ng kanyang palad sa aking buhok.
"Uh... Bakit?"
Tiningnan nya ako sa mata "dahil ikaw na ang gusto ko..."
"Pero---" bago ko pa matapos ang aking sasabihin ng bigla nya akong sinunggaban ng mapusok na halik. Matagal yon. Naestatwa ako sa ginawa nya.
Damn. He's a good kisser. Bihasa na ba sya don? D ako nakagalaw.
Tumigil sya at tiningnan ako ng deretso "pwede bang maging tayo?" Agad nya akong binigyan ng isa pang halik sa pisngi naman.
"O-oo" damn. Ano tong sinasabi ko? Naliliyo ako sa bawat dampi ng halik nya.
"ANO TO!?" Napatigil sya at parehas naming tiningnan ang babaeng nagsalita.
Napatayo kami ng tuwid, biglang binilisan ni Resel ang paglalakad nya. Hinabol sya ni Jayvee. Napatigil silang pareho.
"Bakit mo nagawa yon? Pagkatapos kay Naryem sunod ako at sunod si Rizavin? Ha? Jayvee?"
"I'm sorry... I'm sorry Resel. Gusto kita mas gusto kita" agad niyakap ni Jayvee si Resel.
"Ano Rizavin? Masarap ba? Masarap ba yung halik ng Boyfriend ko!" May diing anya.
Napahawak ako sa labi ko sabay takbo pauwi sa bahay. Shit! Sya ang first ko.
Nang dumating ang Lunes, akala ko magiging usap usapan ako sa School pero hindi naman, naging malayo sakin si Resel.
Mag isa nalang ako, kumain at umuwi. Samantalang sila pa rin ni Jayvee. Bakit kailangan nya pang magsingungaling? Ninakaw nya first kiss ko. Walang kami pero hinalikan nya ako. Shit lang!
Lumipas ang mga araw at ganon ang trato namin ni Resel sa isa't isa, si Naryem naman ay madalas late kaya d nya, o ako nakakasama.
After 1 month na d namin pag papansinan ni Resel ay nabalitaan kong may bagong girlfriend si Jayvee.
Bumalik na rin sa dati si Resel pinapansin na nya ako, at si Naryem din ay naging masaya na.
Nasabi nilang pinag sabay sabay pala kaming tatlo. Tinuhog kami na parang barbeque. Sila pa pala ni Naryem non kaso nag away lang sila ni Jayvee, ito namang si Jayvee jinowa agad si Resel at sunod ako.
May mga panahon talagang mawawalan ka, kaya hahanap hanapin mo yon. Pero bakit mo pa hahanapin kung d ka pa handa. Wag umasa sa tadhana dahil d lahat na kokontral ng tadhana. May dapat ka ring gawin upang magkatotoo ang iyong gusto.
Hindi man totoong naging kami ni Jayvee ay naranasan ko naman ang masaktan. Sana lagi nalang tayong bata para d tayo masaktan sa emotional. Atlis pagbata ka physical lang. Laro don laro dito. Masaya maging bata lalo na kung nalalaro mo lahat ng larong kalye at iba pa. Sobrang saya, lalo na pag kasama mo ang barkada.
BLACKxNEON...