June 1st 2010, 6:30 ng umaga ay
napatigil ako sa aking pagwawalis ng may marinig akong tunong ng tricycle sa dapat ng gate namin. Bibihira lang kasi kung may pumunta na tricycle dito sa aming lugar. Bukod kasi sa malayo ito sa aming bayan ay medyo tago rin ito.
Napatingin ako sa may gate nang may bumaba na isang medyo may edad ng babae sa tricycle. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang babaeng iyon.
"Lolaaaa Sophiaaa!!!" magiliw kung magbati rito. "Na-miss po kita!!!" masayang tili ko.
Binitawan ko muna ang walis ting-ting na aking hawak at patakbong sinalubong si Lola pero hindi pa ako lubusang nakakalapit sa kanya ay narinig kuna ang sigaw ni mama muna sa kwarto nya.
"Putanginang bunganga yan, Val!" iritadong suyaw nya. "Ang aga-aga, ang ingay-ingay mo! Hindi kana nahiya sa mga kapit bahay!" inis na dagdag nya.
Napatigil naman ako sa pagtakbo at nagbaba ng tingin. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa aking narinig na mga salita galing kay mama.
Kailan kaya ako makakarinig ng papuri mula kay mama? Sa buong buhay ko ay lagi nalang kasi pangmamaliit at pangkukutya ang laging lumalabas sa bibig nya sa tuwing kausap ako. Simula ng bata palang ako ay puro galit at pagkamuhi ang laging ipinaparamdam sa akin ni mama. Kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nya– ang pagmamahal ng isang ina.
"Ehemmm..." bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang tinig na iyon.
Nang nag-angat ako ng tingin at ayun na si Lola– nakapasok na sya sa gate at nakabuka na ang dalawa nyang kamay na naghihiwatig na hinihintay nya ng salubongin ko sya ng yakap. Napatitig ako sa kanyang mukha na may malapad na ngiti at makikita ang saya sa kanyang mga mata.
Mukha man akong tanga na nakatingin sa kanya ay lubos-lubos naman na kasiyahan ang aking nararamdaman sa aking loob.
"Tititigan mo lang ba ako dyan apo ko?" may inis ngunit meron ding biro na mahihimigan sa kanyang boses. "Hindi mo man lang ba yayakapin ang Lola mong pinakamaganda sa buong mundo?" matunog syang natawa sa huling salita na sinabi. Tila nagustuhan ang kanyang biro sa kanyang sarili.
Nagpilit nalang ako ng ngiti at ipinakitang hindi apektado sa mga sinabi ng aking ina kanina-kanina lang.
"Lola," pagbati ko rito at saka ako yumakap sa kanya. "Grabe po, miss na miss ko po kayo."
Unti-unting humigpit ang yakap ni Lola sa akin. Ramdam ko rin kung gaano kainit ang kayap ni Lola, kaya sinuklian ko rin ito ng mahigpit na yakap.
Kumawala na sya sa aming yakap at tinitigan ako sa aking mukha, tila sinasaulo ng mabuti ang bawat parte ng mga ito kaya't nakita ko ang masayang mukha ni Lola.
Hinaplos nya ang aking pisngi at buhok. "Namiss din kita apo ko. Grabe, ang laki-laki muna. Dalagang-dalaga kana! Tapos ang ganda-ganda mo pa. At marunong kana rin mag-ayos ngayon," papuri nya sa akin at namamangha nyang sinuyod ang kabuuan ko.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kanyang mga sinabi. Pangalawa palang sya na pumuri sa aking itsura kaya't napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Ngunit hinawakan nyang muli ang aking baba at hiniharap sa kanya ang aking mukha.
Sa pagkaharap ng aking mukha sa kanya ay nakita ko kung papaanong nag bago ang emosyon sa kanyang mukha. Mula sa tunay na ngiti ay naging pilit na ito at ang kanyang mga mata ay parang nangungulila.
"Mamimiss ko tuloy ang batang ikaw, Val." muli nyang hinaplos ang aking buhok. "Ang batang Val na laging marungis at mukhang taong grasa. Ang batang Val na laging may tumutulong sipon, tapos kung pupunasan mo iyong sipon mo ay gamit lamang ang iyong kamay kaya kakalat ung sipon sa pisngi mo tapos–"
"Lola!" asik ko dahil nag-uumpisa ng mang-ungkat ng nakaraan si Lola. At ang mga dulot na alala ang binalikan ni Lola!
Nakakahiya!
"Oh? Bakit? Hindi ba totoo naman ang aking mga winika?" natatawa nyang saad na ngayon ay nakahawak na ang isa nyang kamay sa kanyang tyan. "Meron pa nga nung tumakas ka sa iyong ina para lang makaligo sa ilog. Galit na galit noon ang iyong ina, dahil hindi ka nya mahagilap. Kaya nga nang malaman nyang nasa ilog ka ay agad syang pumunta roon na may dalang mapalo. Nagulat nalang kami dahil basang-basa kang umuwi at galit na galit naman ang iyong Ina. Iyak ka pa ng iyak noon at kinakamot mo pa yang pwet mo dahil sa sakit ng pagpalo ng mama mo sayo hahahahaha. Tapos tudo makaawa ka pa sa kanya habang tumutulo ung sipon mo hahahaha. Muntikan ka na ngang maisako no–"
"Lola naman eh!" pagkukunyaring pagmamaktol ko. "Tama na po. At isa pa po past na po yun, hindi na po ako ganon ngayon. At past is past ika nga nila. Kaya lola, please po. Huwag nyo na pong ipaalala pa," pagmamakaawa ko dahil inuongkat nya na ang mga pinaggagagawa ko nung bata palang ako.
Malakas lang na tawa ang isinagot sa akin ni Lola kaya't nagbaba ako ng tingin dahil sigurado ako na sobra na ang pamumula ng aking pisngi– ay mali pala, dahil buong mukha kuna ngayon ang mamumula dahil sa sobrang kahihiyan!
Hinawakan ni Lola ang mag kabilang balikat ko.
"Hahahahaha. Sorry na sorry na." pilit nyang pinapakalma ang sarili sa pag tawa. "Namiss ko lang yung panahon na bata kapa. Na kaya pa kitang buhatin at kargahin. Ang laki-laki mo na kasi, hindi ko na magagawa ang mga yun apo," may lungkot sa boses ni lola habang sinasabi nya ang mga katagang yun.
Magsasalita na sana ako ng may naunang magsalita sa akin mula sa aming likuran.
"Hindi ba pa kayo papasok dito?" ang bungad nya. "At balak nyo pang mag-drama dyan na maglola? Kasi kung oo sana sumulat nalang kayo sa programa ng MMK para naman hindi nyo sinusolo yang kadramahan nyo. The more, the merrier ika nga nila."
Napatingin kami ni lola sa nagsalita– si mama. Nakatayo sya sa may pinto at ang isang kamay ay nakasangga sa hamba ng nito at ang isa naman ay nakalagay sa kanyang bewang. Mukha syang lalaki sa posisyon nyang yan. Iritado rin sya at hindi maganda ang umaga nya dahil nakakunot ang kanyang noo.
"Ano? Tititig nalang kayong dalawa sa akin?" mas iritadong tanong nya at inilagay na ang isang kamay na nakasangga sa hamba ng pinto sa kanyang bewang. "Titigan challenge, ganon? Ang unang makapagpatunaw sa akin ang panalo, ha?" saway ni mama sa amin ni lola.
Pinagkakamot ni mama ang kanyang ulo dahil sa sobrang inis at padabog na pumapasok. Hindi naman kami kumilos ni lola.
Ilang segundo ang lumipas ay nagkatingin kami ni lola at natatawang umiiling ito sa akin habang ako ay pilit na tumatawa.
"Halika na apo at galit na ang dragon mong ina hahahaha," biro nya kay mama.
"Hmm. Ako na po ang magbubuhat nitong mga dala nyo," at saka ko pinagdadampot ang mga dala ni Lola.
"Oh sya sige. Pasensya kana at hindi kita matulungan ha, apo. Medyo napagod din kasi ang lola mo sa byahe."
"Okay lang po yun La."
"Oh, sige sige. Mauuna na ako sa loob at baka mas lalong magalit pa ang dragon hahahaha," tinapik nya pa ang aking balikat bago maunang maglakad patungo sa loob ng bahay.
Sa ilang dipang layo namin ni lola ay narinig ko parin ang mga sinasabi nya na nakakuha ng aking atensyon na at nakapagpatigil sa aking ginagawa.
"Ang anak kung yun, parang lagi nalang may buwan ng dalaw. Laging mainit ang ulo, simula nung–"
"Simula nong dumating ako sa buhay nya," pagtatapos ko sa ibinubulong ni lola.
Dahan-dahan akong napapatingin kay Lola nang masabi ko ng malakas ang mga salitang iyon.
Nakatigil na si Lola sa paglalakad ng tuluyan ko syang maharap at nasisiguro kong narinig nya ang aking mga sinabi. Unti-unti kong inangat ang aking tingin sa mukha ni Lola at nakikita ko ang gulat sa kanyang mukha.
"Lo...lo...lola...hi...hindi po. Hindi po yun...yung ibig kong sabihin." habang sinisinyas ang kamay ko ng hindi.
Bigla nalang nag-iba ang itsura ng mukha ni lola. Naging seryoso ito ngunit may kaunting ngiti sa kanyang labi.
"Huwag mo sanang iisip na ikaw ang naging dahilan ng pagbabago nang iyong Ina, apo ko."
Nagbaba na lamang ako ng tingin dahil nahihiya na ako kay lola. Lalo na sa aking mga sinabi na narinig nya pala.
"O...opo, lola."
"At lagi mo rin sanang tatandaan na, mahal na mahal ka ng iyong Ina. Ganon lang siguro ang paraan nya ng pagmamahal sa anak."
Unti-unti kung inangat ang aking tingin kay Lola at napatitig sa kanya. Bagamat nakangiti ay andon parin ang seryoso nyang tingin at nagpapaunawang mukha.
Ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang salita na naisatinig. Kaya't naiilang akong tumitig sa kanya hanggang sa mag-iwas na ako ng tingin.
Buntong hininga na lamang ni lola ang aking narinig. Nang tignan ko ito ay naglalakad na patungo sa pinto. Napako naman ang aking tingin sa kinatatayuan kanina ni Lola.
Nang na sisiguro ko ng nasa loob na nga sya ng bahay ay saka palang nalipat ang aking tingin sa mga dala ni lola. At ipinagpatuloy ang pagkuha sa mga ito.
"...mahal na mahal ka ng iyong Ina."
"...mahal na mahal ka ng iyong Ina."
"...mahal na mahal ka ng iyong Ina."
"...mahal na mahal ka ng iyong Ina."
"...mahal na mahal ka ng iyong Ina."
Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa aking isipan. Nang makuntento ay saka lamang ako naglakad.
Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Ngayong andito kana ulit lola, nawa'y magbago ang lahat. Nawa'y maging maganda ang dulot nyo sa...aking buhay.
To be continued...