泡泡小说

下载PopNovel阅读海量小说

Modern World BINUKOT

Modern World BINUKOT

作者:Maegaxx

连载中

简介
Isang silid ang magiging maliit nyang mundo kung saan walang makakapanakit sa kanya Itinuring na yaman pero hindi mapahalagahan. Itinago sya sa loob ng 18years at sa unang pagkakataong makakalabas sya ay makikilala nya ang isang lalaking magiging dahilan ng pagngiti nya ngunit magiging dahilan din ng kalungkutan nya. Masasaktan sya ng sobra na sa sobrang sakit ay mas pipiliin nyang ikulong muli ang sarili nya.
展开▼
正文内容

  I used to be alone, nasanay akong mag isa.

  Walang ibang taong nakikita kundi ang isang katulong na nag alaga at naghahatid sakin ng pag kain sa madilim na silid na kinalulunggaan ko.

  Dito na ako pinanganak dito mismo sa silid na ito.

  Dito nadin ako nagkaisip at dito nadin ako lumaki.

  Itinago ako para daw sa proteksyon ko

  Itinago ako dahil ako ang nag iisang yaman ng angkan ko.

  Sana sa unang pagkakataon na makalaya ako at masaksihan ang mundo

  Makilala ko din ang lalaking magiging gabay ko para mabuhay sa mundong ngayon ko lang masisilayan

  Ang mundong ipinagkait sakin.

  Sa angkan namin bihira o mas tamang sabihing 'imposible' ang magkaanak na babae

  Marami sa kamag-anak ko ang nag ampon nalang ng anak na babae marami namang nakuntento nalang

  Pero ako ang nag iisang 'tunay' na anak na babae.

  Ang sabi nila swerte daw sa pamilya ang anak na babae dahil kasabay ng pag dating nito ang sya ding pagdating ng swerte.

  Na pinatunayan ng pamilya ko

  Ang sabi sakin ng katulong na itinuring ko nang nanay ay simula daw ng ipinanganak ako ay naging malago at naging malawak ang sakop ng kumpanya namin at ang mga kamag anak ko na dati ay kaaway na syang pilit na nagbababa samin sa pwesto ng pamilya ay mga kakampi na namin na nag aangat samin

  Nabawasan ang kaaway nadagdagan ang kakampi.

  Kaya ako itinago para hindi ako masaktan at mas maprotektahan.

  Nung araw daw na ipinanganak ako ay nagkagulo ang buong angkan ko para masilayan ako

  Ngunit dahil nga nag iisang babae hindi nila hinayaan yun at itinago ako

  Isa o dalawang beses lang ako naarawan at yun ay nung sanggol pa ako.

  Si nanay Aria ay dating guro ngunit nag retiro na sya dahil nadin sa katandaan at sa hiling ng magulang ko para bantayan at turuan ako

  Isa syang magaling at makatwirang guro kaya sya ang napili ng pamilya ko para gumabay sakin

  Ang sabi sakin ni nanay Aria ay lumaki daw akong matalino pero hindi ko din magagawa yun kung hindi dahil sa kanya.

  "Nay Aria kailan po kaya ako makakalabas sa kwartong ito?" tanong ko kay nanay Aria habang tinuturuan nya ako sa bago kong aralin

  17years old nako ngayon at tatlong buwan nalang ay 18years old nako

  "Bakit mo naman naitanong yan tanya? Nagsasawa kana ba sakin?"

  "Hindi po nay pero po kasi gusto ko lang pong malaman kung dapat paba akong umasa na makakalabas ako dito o ititigil ko naba ang pantasya ko?" Malungkot kong saad sa kanya. Nang tignan ko sya ay nakita ko ang awa at simpatya sa mga mata nya.

  Alam kong tinitiis nya lang ako dahil hindi sya pwedeng mag desisyon sa bagay na iyon

  Alam kong gustuhin man nya ay wala syang magagawa

  "Gusto ko lang pong malaman kung makikita ko paba ang mundo sa labas ng bilangguang ito? Ano kaya ang itsura ng kotse sa personal ano kaya ang pakiramdam ng marami kang taong nakikita? Ano kaya ang pakiramdam ng masugatan, madapa ang una ko pong gagawin pag labas ko ay titigan ang araw hanggang sa masilaw ako." Tila nagpapantasyang usal ko sa kanya pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang mumunting luha sa pisngi nya

  'Awa' yan ang nakikita ko sa mga mata nya

  "Anak maghintay kalang ha. Dadating din ang araw na hinihintay mo, alam kong dadating ang araw na makikita mo ang totoong mundo sa labas ng kwartong ito. Natatakot lang ako na sa oras na makalabas kana ay hihilingin mong bumalik dito at ikulong muli ang sarili dahil sa sobrang sakin na mararamdaman mo. Pero kung dumating man yun tatagan mo ang loob mo dahil alam kong kakayanin mo ang lahat kahit mag isa kalang." Nakangiti sya pero tuloy tuloy padin ang agos ng luha nya

  Lumapit ako sa kanya at pinunasan iyun gamit ang mga kamay ko

  Ayokong nakikita syang umiiyak.

  Sya na ang kinalakihan kong magulang at hindi ko kakayanin kung mawawala sya sakin. Ni hindi ko manlang nasilayan ang mukha ng sarili kong mga magulang dahil hindi nila ako pinupuntahan dito ang sabi ni nanay aria ay dahil hindi pwede. Ilang beses daw silang nagpumilit na makita ako

  Napag alaman ko din na ang lolo ko ang syang nagpalagay sakin sa kwartong ito

  Si Don Eduardo ang pinaka matanda sa kanilang apat na magkakapatid. Ang bawat babae'ng anak daw sa pamilya ay binibigyan nya ng sobrang proteksyon dahil iyon daw ang nagpapatatag sa pamilya.

  Minsan naiisip ko din na dapat akong magalit dahil pinagkaitan nila ako ng buhay sa labas ng itinuturing ko ng kulungan.

  Pero may bahagi sa isip kong nagsasabi na

  Dapat ba talaga akong magalit? O dapat ko silang pasalamatan sa sobra sobrang pagmamahal at proteksyong ibinibigay nila sakin.

  AWA sobra sobrang awa ang nadarama ko para sa batang iyon. nung tinanong nya ako kung kailan ba sya makakalabas sa kwartong iyo hindi ko alam kung ano ang isasagot ko

  O kung tama bang ako ang sumagot doon.

  Kalalabas ko lang sa kwarto nya para kumuha ng karagdagang libro para sa pag aaral nya ng salubungin ako ng mga kapatid nyang lalaki.

  Meron syang apat na kapatid na lalaki laging ganito ang senaryo namin paglalabas ako ng kwarto ng kapatid nilang babae

  "Manang aria kamusta? Anong balita kay tanya?" tanong ni Terrence Na naunang nakalapit sa kanya.

  "Manang hindi ba talaga pwedeng kuhanan mo sya ng litrato para samin? Kahit isa lang sige na" nagmamakaawa namang saad ni tyron na sinundan naman ni treck

  "Oo nga naman manang gustong gusto na talaga namin sya makita!!!!"

  Ang isa naman nilang kapatid na lalaki na si tristan ay nakikinig lang sa kanila marahil ay sumuko na ito sa kakukumbinsi sa kanya .

  "Alam nyo namang ako ang makakagalitan ng magulang at lolo ninyo kapag pinagbigyan ko kayo hindi ba?" Seryoso kong paliwanag sa kanila

  "Pero hindi naman nila malalaman eh manang naman" paawa pa ni treck pero hindi nagpadala dito ang matanda.

  "Hindi mo ako madadaan sa paawa mo tre-" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng may kumatok sa loob ng pintong nilabasan nya.

  Tok tok tok

  "Nay Aria nandyan kapa ba? Nauuhaw po ako dalhan nyo nadin po ako ng tubig salamat." Isang malambing na tinig ang na Dinig naming lahat mula sa loob ng kwarto ni tanya.

  "O sige babalik din ako agad" balik nyang sabi kay tanya at hindi na ito sumagot pa.

  Ng tignan nya ang mga kapatid nito ay tila natulos ang mga ito sa kinatatayuan nila

  Tila na estatwa at wala ng balak pang gumalaw. Mukha silang gulat na gulat

  Hindi ko din sila masisisi dahil ito ang unang beses na narinig nila ang boses ng kapatid.

  Hindi ko na lamang sila pinansin at sinusian muna ang pinto ng kwarto bago tuluyang umalis.

  Kailangan kong gawin yun dahil baka pumuslit ang mga kapatid nito para makapasok sa loob at makita sya.

  NASA tapat ako ng opisina ng mga magulang nila tanya. Kumatok ako ng tatlong beses at tuluyan ng binuksan ang pinto

  Nagpunta ako sa harapan ng ina nilang si Margaret na kasalukuyang nagbabasa ng magazine

  Itinigil nito ang pagbabasa ng mapansin ako sa harapan nya

  Nginitian nya ako at pinaupo

  Malambing at mapagmahal ang kanilang ina wala kang maipipintas sa ugali at ganda nito.

  "Anong kailangan mo Manang? May problema ba kay tanya?" agad na tanong nito nang maka upo sya.

  "Margaret gusto ko lang malaman. Kailan nyo ba balak na palabasin ang batang iyon? Kung makikita mo sya ngayon ay mahahabag ka sa mga kwento nya. Lagi nyang tinatanong sakin kung kailan o makakalabas paba sya. Sa twing tinatanong nya ako ay hindi ko alam kung anong dapat kong isagot nang hindi sya nasasaktan."

  Tila nasasaktan din sya para sa anak nyang hindi manlang naranasan magkaroon ng sariling buhay o nang malayang buhay.

  "Galit po ba sya samin?" Taliwas sa tanong ko ang isinagot nya pero alam kong yun talaga ang gusto nyang malaman.

  "Hindi. Kailan man ay hindi ko naramdaman ang galit nya sa inyo. Nang minsang tinanong ko sya kung galit ba sya sa inyo alam mo ba ang isinagot nya?" tanong ko na nagpaangat sa tingin nya.

  "Ano po iyun?" agarang tanong nya na parang sabik at kinakabahan..

  "Ang sabi nya ay wala syang karapatang magalit dahil kahit na gano kalaki ang kasalanan nyo sa kanya ay kayo padin ang nag bigay buhay sa kanya. Kung hindi daw dahil sa inyo ay wala sya sa mundo. Kaya kahit ipagkait nyo pa sa kanya ang mabuhay ng malaya o kahit ang huminga ay wala syang karapatang magalit." Sa sagot kong iyon ay tuluyan ng tumulo ang luha nya. " pinili nyang intindihin kayo kahit na mahirap para sa kanya yun. Kaya bakit hindi nyo sya magawang intindihin? Gusto nyang mabuhay ng malaya. Gusto nyang maranasan ang buhay sa labas ng mundo nya sa loob ng silid na iyon. Maski nga ang masugatan ay gusto nyang maramdaman.

  Tuloy lang sya sa pagluha at hindi na kinaya ang sarili at napatakip nalang ng sariling bibig para hindi sya marinig sa labas.

  Nang makabawi nang sarili ay agad syang tumingin sa nga mata ko.

  "O sige manang sa pagkakataong ito ay paninindigan ko na ang pagiging ina ko kay tanya. Ipaglalaban ko na ang karapatan nya. Sabihin mo kay tanya manang na hintayin lang nya ang kanyang ina."

  Nang dahil sa sinabi nya ay napangiti ako

  Hindi ko inakalang magkakaroon ng boses ang dating pipi at magkakaroon ng tenga ang dating bingi

  Masaya ako sa desisyon nya.